February 27, 2024
Ysabelle revives Tootsie Guevarra’s ‘Kaba’
Latest Articles

Ysabelle revives Tootsie Guevarra’s ‘Kaba’

Feb 8, 2024

Ang 15-year old newbie singer na si Ysabelle ay sasabak na sa mundo ng entertainment.

Nakatakda niyang i-revive ang kantang ‘Kaba’ na pinasikat ni Tootsie Guevarra noong 1999. Very soon ay mapapakinggan ang sariling version ni Ysa (nickname ni Ysabelle) sa lahat ng streaming app.

Si Ysabelle ay isang 10th grader sa Centerphil Montesorri Learning Center sa Janiuay, Iloilo.

Last month lang siya pumirma ng kontrata, kasama ang kanyang mom na si Jean Magno Palabrica, kay Vehnee Saturno (composer ng kantang Kaba) para sa revival at recording ng naturang awitin.

Nabanggit ng bagets na excited na siya sa pagsabak bilang recording artist.

Sambit ni Ysa, “I was so excited when it was suggested to me by Mr. V (Vehnee) that I could revive it, but of course under his guidance. I think my version will be more upbeat. And I will work hard to make this song a success, just like the first one, and for people to appreciate it.”

“Si Sir Vehnee po ang nag-suggest ng kanta at sabi ng mommy ko, big opportunity daw po ito para sa akin kaya dapat daw na I do my best,” nakangiting wika pa niya. 

Sina Taylor Swift at Belle Mariano ang idols niya.

Kuwento ng dalagita, “I love their songs very much and I think everyone can easily connect to the lyrics of their songs, po. And nakita ko po yung mga expressions nila sa kanilang mga kanta, kung paano sila kumanta nang maayos at maganda sina Taylor at Belle.

“And nakita ko po kapag nasa stage na sila at nagpe-perform, ine-enjoy lang talaga nila yung pagkanta nila.”

Nalaman namin na last year lang pala nakahiligan ni Ysa ang pagkanta, pero determinado ang talented na bagets na ito na magkaroon ng puwang sa mundo ng musika.

Esplika niya, “Last year lang po ako nahilig sa pagkanta nang in-enroll ako sa voice lesson ng mommy ko. Pero kumanta po kami with my best friend sa school when we’re running as senator sa school po.”  

Naniniwala din si Ysa na makaka-relate ang mga tulad niyang teeners sa kanyang single.

“I think many teenagers can relate to the song. And when I first listen to it, I like the melody and the music. I heard it first on Tiktok and I easily fell in love with the lyrics. It’s normal naman talaga na magkakaroon ka ng crush,” masayang paikli niya. 

Ipinahayag naman ng batikang composer na ibang-iba ang version ni Ysa sa original version ni Tootsie.

Wika ni Vehnee, “It’s completely different, medyo yung like ng Gen Z ang areglo. Upbeat siya… medyo experimental ang ginawa namin.”

Sa ngayon ay nagte-taping na rin si Ysa para sa YouTube show nilang Krazy-x You sa ilalim ng pamamahala ni Direk Obette Serrano at sa concept ni Audie See, na siya ring manager ni Ysa.

Masuwerte si Ysa sa pagkakaroon ng supportive parents. Ang mom niyang si Ms. Jean ay isang businesswoman, samantalang ang kanyang dad ay si Mayor Mark Palabrica, from the municipality of Bingawan, Iloilo.

“Proud po sila sa akin and very supportive po sila,” matipid na sambit pa niya.

Si Ysa ay abala sa pagte-taping para sa YouTube show nilang Krazy-x You sa ilalim ng pamamahala ni Direk Obette Serrano at sa concept ni Audie See, na siya ring manager ni Ysa.

Abangan ang debut single ni Ysa, na gagawan din ng music video.

Leave a comment