February 27, 2024
Ynna Asistio talks about the success of her vlog
Latest Articles

Ynna Asistio talks about the success of her vlog

Dec 15, 2023

Excited si Ynna Asistio dahil very successful ang season 1 ng kanyang Youtube vlog na Behind The Scenes With Ynna.

Kaeere lamang ng kanyang episode 9 with Maya Eigenmann na asawa ni Geoff Eigenmann na sinundan naman ng Episode 10 kung saan bisita niya si Aina Solano ng Pinoy Big Brother.

At sa nalalapit ng pagtatapos ng unang season ng kanyang YouTube show, sa episode 11 ay guest ni Ynna si Karen Reyes na mula rin sa PBB. Isa itong two-part special interview at pinakaunang interview ni Karen mula noong siya ay maging isang ina.

Ang airing nito ay December 9 (part 1) at December 16 (part 2).

At siympre naman, dapat ay pasabog ang season finale ng BTSWY kaya naman two-part interviews rin ito kung saan sa unang pagkakataon ay hindi isang empowered mom ang bisita ni Ynna kundi ang lalaking siyang dahilan kung bakit naging isang empowered mom si Ynna, walang iba kundi ang mister niyang si Waldolf Joachim O. Carbonell or Bully Carbonell.

And next year, malamang ay pasabog din ang season 2 ng Behind The Scenes With Ynna.

Si Ynna ay anak nina Nadia Montenegro at Macario “Boy” Asistio na maraming taon (80s at 90s) na nagsilbi noon bilang alkalde ng siyudad ng Caloocan.

Kinumusta namin kay Ynna kung paano maging anak ng kanyang ama.

“Masarap  po ang feeling.

“Kahit man po umabot sa point na nawala lahat kay daddy at mommy, naging mabuting tao pa rin sila and kaya at peace po ako na kahit wala na po si Daddy ramdam na ramdam ko siya sa lahat ng mga galaw na nangyayari sa buhay ni mommy ngayon.”

Sumakabilang-buhay si former Mayor Boy noong Pebrero 2017 sa edad na otsenta anyos.

Pagpapatuloy pa ni Ynna.

“Nakaka-proud maging anak nila kasi kahit saan ako magpunta meron at meron akong maririnig na mga story kung paano tumulong si mommy or si dad or silang dalawa sa mga tao,” lahad pa ni Ynna.

“And now ‘yung legacy nila naipasa na rin sa aming magkakapatid,” lahad ni Ynna.

Leave a comment