
What you need to know about Vivamax’s new movie
Hindi malilimutan ng showbiz writers ang salitang “MAKAPILI” coz iniuugnay itey sa mga humawak ng invitation para sa mga preskons or showbiz events. Kalimitan ay halos pili na lang ang kanilang iniimbita at tipong grupo-grupo pa. Samantalang ang mga senior writers ay masisipag pa namang magsulat until now at may mga sinusulatan naman lalo na ngayong usong-uso ang social media.
Well, as the saying goes — accept things and people as they are. Boom, ganernn!
Maraming Pinoy ang nais makarating sa Japan, hindi lang para mamasyal kundi para maghanap-buhay. Ang ibang may matinding pangangailangan ay gagawin ang lahat para manatili rito kahit walang legal na papeles.
Kaya ang tawag sa mga Pinoy sa Japan ay Japino.
Ngayong Nobyembre, inihahandog ng Vivamax ang “Japino” na maglalahad ng kwento ng dalawang Pinay na nakikipagsapalaran sa tinaguriang Land of the Rising Sun. Ang pelikulang ito ay mula sa direksyon ni Freidric Macapagal Cortez, at Brillante Mendoza bilang Creative Producer.
Ang lead stars ng Japino ay pinangungunahan nina Angela Morena, Vince Drillon, Ali Asistio, at Denise Esteban.
Si Angela Morena ay gumaganap bilang si Ayu, isang dancer sa bar sa Japan. Agresibo ang tingin sa kanya ng mga tao, pero tinatago niya lang ang pagiging uhaw sa pagmamahal at atensyon. Hinahanap niya ang kanyang amang Hapon, at umaasa na kilalanin siya nito para makakuha ng Japanese citizenship. Ang kanyang ina na si Lara (Lara Morena), isa ring dancer, ay bumalik na sa Pilipinas, kaya ang nobyo niyang si Yuki ang kasama niya sa paghahanap.
Si Denise Esteban ay si Aki, isa ring dancer sa bar. Malakas ang dating at gagawin ang lahat para yumaman at gumanda ang buhay. Wala sa plano niya ang mabuntis, kaya nang mangyari ito, inisip niya agad na ipalaglag ang bata kahit mahal na mahal siya ng kanyang nobyo na si Taka.
Ang mga lalaki sa buhay nila ay ginagampanan ni Ali Asistio bilang si Yuki at si Vince Rillon bilang si Taka.
Si Yuki ang silent type, malapit sa pamilya at simple lang ang gusto sa buhay, samantalang si Taka ay may pagka-immature at bara-bara sa mga desisyon. Parahe silang illegal na nagtatrabaho sa Japan.
Ang ilan sa mahahalagang kaganapan sa buhay nina Ayu at Aki ay magkasabay o magkaugnay pero magkikita kaya ang dalawa? Subaybayan kung paano magiging magkarugtong ang kanilang makulay na buhay.
Mapapanood ang “Japino” sa Vivamax simula November 10, 2023. Para i-stream ito, punta na sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.
Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.
Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya.
Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.
Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.
Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax. Makakapanood na sa halagang AED35/month. Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.
Mayroon ding Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada.