December 11, 2023
Vilma Santos talks about love scenes with Christopher De Leon
Latest Articles

Vilma Santos talks about love scenes with Christopher De Leon

Nov 8, 2023

Isa ang pelikulang When I Met You In Tokyo, na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon, sa sampung pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival 2023. 

Happy siyempre ang tinaguriang Star For All Seasons na napili ang kanilang pelikula sa taunang film festival.

“Sana panoorin ng tao ang sampung entries sa MMFF, pero unahin nilang panoorin ang When I Met You In Tokyo,” sabi ni ate Vi na natatawa.

Ang When I Met You In Tokyo ay istorya ng dalawang OFW sa Tokyo na sina ate Vi,  bilang si Azon, at Christopher bilang si Joey, na nagkakilala, naging magkaibigan, at naging lovers.

Sa pelikula ay may lovescenes sina ate Vi at Boyet. Sa tanong kay ate Vi kung kamusta ang lovescenes nila ni Boyet, ang natatawa niyang sagot, “Abangan ninyo! ‘Yung scene namin na ‘yun ni Yetbo, first time naming ginawa. Sa dami-daming pelikula namin ni Yetbo, ‘yung eksena na ‘yun, first time naming ginawa.”

Hindi na nga mabilang ang pelikulang pinagsamahan nina ate Vi at Boyet katulad ng Broken Marriage at Relasyon, na mag-asawa ang role nila, pero wala sila ritong lovescene. 

Ngayon pa nga lang sila nagkaroon ng lovescene sa pelikula.

“For experience,” sabi pa ni ate Vi na natatawa.

“Si Yetbo pa ang nag-direk ng eksenang yun,” aniya pa.

Kasama sa pelikula si Kakai Bautista. At puring-puri ni ate Vi ang komedyana.

“One or two sequences lang kami ni Kakai. Alam ninyo, one thing I realized with Kakai. ‘pag kaeksena ninyo, beware! Kasi eto, ‘pag may eksena, hindi mo alam in the middle of the scene, adlib nang adlib. ‘Pag hindi ka marunong sumagot sa kanya, kakainin ka niya ng buhay, sa galing niya. I mean it,” papuri ni ate Vi kay Kakai.

Nag-thank you at nag-i love you si Kakai kay ate Vi nang marinig ang papuri sa kanya nito.

Ang When I Met You In Tokyo ay mapapanood na simula sa Pasko, December 25. Kasama rin sa pelikula sina John Gabriel, Cassy Legaspi, Darren Espanto, Gabby Eigenmann, Lotlot de  Leon, Jacky Woo, ang mag-asawang Lynn Cruz at Tirso Cruz, at Gina Alajar.

Leave a comment