December 11, 2023
‘Tadhana’ celebrates 6th anniversary
Latest Articles

‘Tadhana’ celebrates 6th anniversary

Nov 4, 2023

Anim na taon na ang Tadhana, ang award-winning drama anthology program ng GMA Public Affairs na pinapangunahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Sa patuloy ng pagbibigay-inspirasyon sa mga manonood, handog ng  programa ang isang three-part special episode na mapapanood simula ngayong Nobyembre 4.

Pinamagatang “Secrets,” tampok sa anniversary special ang Sparkle artists na sina Lexi Gonzales at Gil Cuerva, kasama sina Annalyn Barro, Jelai Andres, Ella Cristofani, Ms. Jackie Lou Blanco, at Ms. Jean Garcia.

Lubos ang pagpapasalamat ni Marian sa patuloy na pagsuporta ng viewers sa Tadhana.

“Yung anim na taon ng Tadhana, hindi siya magiging posible kung hindi rin dahil sa viewers na walang sawang sumusuporta sa programa,” pagbabahagi ni Marian.

“At hindi lang manunuod ang naiinspire sa mga kuwento, ako mismo, talagang nai-inspire ako sa mga kuwento ng ating kababayan na kahit mahirap ang buhay, puno ng pagsubok, ay di sumusuko. Sana ay patuloy n’yo kaming samahan tuwing Sabado, at sabay-sabay nating pagtagumpayan ang hamon ng buhay,” saad pa nito.

“Sa loob ng anim na taon, nanatili pa rin ang mensaheng ipinapaabot ng Tadhana – na sa huli, ang kabutihan ay nakatadhanang masuklian. Kaya naman pinapangako namin na mas marami pang mga kwentong malapit sa puso at kapupulutan ng aral ang ihahandag namin sa inyo,” pagbabahagi ni Tadhana Supervising Producer Carlo Balaquiot.

Mula 2017, ipinagdiriwang na ng Tadhana ang kuwento ng tagumpay ng mga Pilipino. Bukod sa mga aral, nagbibigay inpirasyon din ang bawat epsiode sa mga manunuod. Kaya naman hindi nakapagtataka na ang Tadhana ay isa sa highest rating shows tuwing weekend. Online, nananatili itong isa sa mga pinakasinusubaybayang local TV show. May 9.3 milyong followers na ang Tadhana sa Facebook. Bawat episode ay pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamalaking artista sa bansa.

Ngayong taon, nagwaging National Winner bilang Best Single Drama/Telemovie/Anthology Episode ang programa sa 2023 Asian Academy Creative Awards sa Singapore.

Isang kuwento ng pag-ibig, pagkakaibigan at pagbabalat-kayo ang tampok sa ika-anim  na anibersaryo ng Tadhana na pinamagatang “Secrets.”

Huwag palampasin ang anniversary special ng Tadhana na “Secrets” ngayong November 4, 11, at 18, 3:15 PM sa GMA Network. May live streaming din ito sa GMA Public Affairs social media accounts. Para sa mga Globay Pinoy, mapapanood ang Tadhana via GMA Pinoy TV.

Para sa ibang updates sa Kapuso Network, bisitahin ang www.GMAnetwork.com.

Leave a comment