February 27, 2024
Rhea Tan supports MMFF
Latest Articles

Rhea Tan supports MMFF

Jan 3, 2024

Patok na patok ngayon ang karamihan ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2023 at isa sa masaya sa pangyayaring ito ang Beautederm at BlancPro founder and President na si Ms. Rhea Anicoche Tan.

Bukod kasi sa pagiging supporter ng local films (kaya madalas siyang magpa-block screening), marami sa mga brand ambassadors ng Beautederm at Blanc Pro ay may entry sa on-going MMFF 2023.

Since hanggang January 7 pa ang MMFF, balita namin ay planong mag-binge-watch ng lady boss ng Beautederm.

Proud si Mam Rhea sa kanyang celebrity ambassadors na tinatawag niyang Beautederm babies dahil marami sa mga ito ay humahataw ang mga pelikula sa MMFF. Ang kalidad at pagiging tunay na effective ng beauty products ni Ms. Rhea ay kasing benta rin ng mga babies niya sa MMFF na dinudumog ngayon sa takilya.

Isa sa box office winners ang pelikula ni Piolo Pascual titled Mallari, na balita namin ay consistent sa number 2 position at ang mga sinehan nito ay nadadagdagan araw-araw. Si Papa P ang endorser ng Koreisu Toothpaste at Etre Clair Mouthwash and Spray mula sa Beautederm.

Planong panoorin ni Ms. Rhea ang When I Met You In Tokyo lalo’t katatapos lang niyang magbakasyon sa Japan. Ang pelikula’y pinagbibidahan ng Star for All Seasons Vilma Santos at Beautederm ambassador na si Christopher de Leon. Kasama rin sa cast ang Beautederm ambassadors na sina Darren Espanto, Cassy Legaspi, at Kakai Bautista.

Laging very supportive si Maam Rhea sa kanyang babies, actually, sa presscons pa lang ng movies ng mga ito ay nag-provide na siya ng Beautederm gift packs at giveaways.

Suportado rin ni Ms. Rhea ang Beautederm anbassador na si Enchong Dee, na isa sa mga bida ng historical film na “Gomburza.”

Happy siya sa Best Picture na “Firefly dahil bahagi ng cast nito ang Beautederm ambassador na si Ysabel Ortega.

Kabilang din ang Beautederm ambassador na si Tonton Gutierrez sa cast ng “Family of Two,” na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards.

Sa presscon ng ‘Kampon’ sumuporta rin ang Beautederm dahil kina Beauty Gonzalez at Zeinab Harake.

Ganoon din sa Face ng ‘BlancPro’ na si Marian Rivera para sa presscon ng ‘Rewind.’

Positive lagi ang maririnig at makikita kay Ms. Rhea, kaya sa pagpasok ng New Year at ng year 2024, tiyak namin na may mas magagandang visions at plano siya para sa Beautederm at BlancPro.

Leave a comment