
Producer reacts to film’s MMFF exclusion
Tipong naawa si yours truly sa producer ng pelikulang In His Mother’s Eyes na si Ms. Flor of 7K Entertainment nang magsalita ito sa grand mediacon ng pelikula kasi super nag-expect pala siya na mapapasali sa MMFF 2023 ang kanilang pelikula.
May chance naman daw lumaban sa takilya ng MMFF 2023 ang In His Mother’s Eyes dahil sa husay ng acting dito nina Maricel Soriano, Roderick Paulate, L.A. Santos, Ogie Diaz at ng iba pang kasali sa nasabing pelikula at napakahusay din daw ng pagkaka-direk ng mga eksena dito ni Direk FM Reyes.
“So, medyo na-depress ako nu’ng hindi (napili). Pero I think there’s something in it. Pinagdasal natin ‘to, hinulog nu’ng nasa Itaas ‘to what will happen today kasi siguro mas marami tayong maaakap sa movie na ‘to,” patuloy ng 7K Entertainment producer at butihing ina ni LA. Santos na isa rin sa mga bida ng In His Mother’s Eyes.
Pinasalamatan naman niya sina Maricel Soriano at Roderick Paulate sa pagpayag na gawin ang In His Mother’s Eyes na showing na this coming November 29 in theaters nationwide.
“Thank you for sharing your screen with LA. Malaking utang na loob ko. ‘Yung screen n’yo with LA, parang imposible na. Sa movie na ‘to, sabi ko nga, pwede na siguro akong matapos sa… ayoko na. Hindi naman sa ayaw ko na, kasi ‘pag napanood n’yo ‘yung movie, hindi si LA ang aakapin n’yo dito. Parang aakap kayo sa isang kagaya niya na hindi makita, hindi mailabas ang pagmamahal na ‘yon na kayang ilabas sa tulong pala ng magulang. Ilalaban ng magulang, ilalaban ng kung sino ang mahal sa paligid niya,” Mommy Flor added.
Well, if you care to know anak ni Mommy Flor si L.A Santos in real life at siyempre bilang Ina gusto niya itong sumikat sa showbiz bilang magaling na aktor kaya siguro tugma lang sa kanilang mag-ina ang title na In His Mother’s Eyes.
Co-stars nina Maricel, Roderick, at L.A. sina Maila Gumila, Ogie Diaz, Ruby Ruiz, Vivoree, and a lot more.