February 27, 2024
Piolo looks good and he plays a Filipino serial killer
Latest Articles

Piolo looks good and he plays a Filipino serial killer

Dec 3, 2023

Bilib naman si yours truly sa Mentorque Productions coz ang first movie nila titled Mallari ay hindi lang napabilang sa MMFF this coming Christmas Day kundi ito rin ang first Pinoy Film to be distributed by Warner Brothers Pictures.

And take note nagkaroon pa itey ng biggest mediacon at fancon kamakailan lamang sa MOA na talagang sangkatutak na movie press ang invited with matching pa-rapol pa tas daming fans na dumalo rin sa fancon ng said movie kahit na super layo.

Sina Piolo Pascual, Janella Salvador, Gloria Diaz, at JC Santos ang stars ng Mallari written by Enrico Santos at sa direction naman ni Derick Cabrido.

Sa mediacon ng Mallari ay napansin namin na tipong bumata, pumuti, at lalong naging pogi si Piolo Pascual in pernes. Maging ang former beauty queen na si Gloria Diaz ay tipong hindi tumatanda ang fezlak byuti pa rin at hindi halatang may mga apo na sa true lang.

Tatlong characters ang ginampanan sa Mallari movie ni Piolo bilang Fr. Severino Mallari, John Rey, at Jonathan at matagumpay naman niyang nagampanan.

“It was hard because, three roles e. So, I just… parang as an actor, that’s the challenge, now knowing what to expect. By just saying yes, I guess for me, I was up for the challenge and I just wanted to do something different. And when this came about, I guess it just fall into place, and the big production value alone was big consideration. Who’s very ambitious but they lived up to the expectations and everything. So. I just really happy about that.

“With this film, with the backing of Warner Bros, I hope we be able to not just be a topgrosser but to be shown not just here but internationally. Para naman ma-notice ‘yung Philippine cinema, and horror genre for that matter, because malakas ‘yung horror dito sa Pilipinas.

“It was really hard but what made it easy was the vision of my director. Direk Derick knew what he wanted and he knew his vision. He had a vision, in his film, his story. Ang pagkakasulat ni Sir Enrico, napakalinaw. Tho it went through several drafts, and biggest blessing for me was having an acting coach. Tita Anggie Castrence,” ang mahabang pahayag ni Piolo during the Q&A portion ng Mallari m nediacon.

O, siya, huwag kaligtaang panoorin itong Mallari movie this coming MMFF na tipong may pagka-horror ang tema ng istorya.

At tipong bagay din panoorin itey ng mga mag-syota coz puwede silang magyakapan nang magyakapan tuwing may mga nakakatakot na eksena.

Devah naman Reggee Bonoan at Tin Tin? Boom! ‘Yun na!

Leave a comment