February 27, 2024
Nora Aunor showcases golden voice in ‘Pieta’
Latest Articles

Nora Aunor showcases golden voice in ‘Pieta’

Jan 11, 2024

Just a few days ago ay nagpa-special screening ang grupong NFF (Nora’s Friends Forever) para sa pelikula ng kanilang idol na si Superstar Nora Aunor titled Pieta.

In pernes ay sold out ang mga tickets sa sinehang inarkila nila at punong-puno ng madlang pipol ang Cinema 76 kung saan ginawa ang special screening and for sure ang kinita ng mga tickets ay mapupunta sa Nora Cares Foundation in pernes.

Siyempre, expected na namin ang galing ni Ate Guy at nina Gina Alajar at Jaclyn Jose sa movie. Gusto rin naming palakpakan si Konsi Alfred dahil sa bagong atake na nasaksihan namin sa kanyang akting sa “Pieta” as in puwede siyang maging best actor sa mga eksena niya sa Pieta sa true lang.

Kasi hindi rin naman siya nagpatalbog sa mga premyadong veteran stars na kasama niya sa pelikula, lalo na sa mga eksena nila ni Ate Guy na “mata-mata” acting pa lang ay winner na winner na.

Lalo naman si Ate Guy na kering-keri niya ang role ng isang Inang may dementia na and take note, isa sa mga ikatutuwa ng fans ni Ate Guy ay ang muli niyang pagkanta tampok ang Kapampangan folk song na “Atin Cu Pung Singsing.”

Matagal nang hindi kumakanta ang nag-iisang Superstar dahil sa problema niya sa lalamunan. Pero sa Pieta ay muli nyong mapapakinggan ang kanyang golden voice, boom ganernn!

Of course, natuwa rin kami dahil first time niya ulit kumanta sa isang pelikula after so many years, ha!

Isa sa highlights ng “Pieta” ay ang eksenang nagsama-sama sina Nora, Gina, Jaclyn, at Alfred. Ang ganda ng eksena nilang yon sa true lang. Para silang nagpatalbugan ng acting sa isa’t isa sa totoo lang.

Naku, sana naman pag ipinalabas na sa mga sinehan itong Pieta movie ay dagsain rin ng mga movie lovers at kumita rin ng milyones tulad ng kinita ng Rewind movie nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Why not, coconut? Sa dami ng kani-kanilang fans lalo na kapag pinagsama-sama ang mga Noranians worldwide at NFF plus mga fans nina Alfred Vargas, Jaclyn Jose, Gina Alajar, at iba pa for sure papatok itey sa takilya.

Wanna bet, ha?

Yun na!

Leave a comment