December 10, 2023
Nailandia owner praises Marian Rivera
Latest Articles

Nailandia owner praises Marian Rivera

Nov 20, 2023

Siyam na taon na bilang celebrity endorser ng Nailandia si Marian Rivera.

Nakatsikahan namin ang may-ari ng Nailandia na si Noreen Divina at tinanong namin kung paano niya nakilala ang Primetime Queen ng GMA.

“Thru a franchisee. Kasi bank manager siya ng BDO and then doon yung account ni Rams.”

Si Ramel ‘Rams’ David (ng Artist Circle Talent Management) ang dating manager (at kaibigan hanggang ngayon) ni Marian.

“So sabi niya kilala ko yung manager ni Marian, bakit hindi tayo mag-Marian Rivera, Ms. Noreen,’ sabi niyang ganun.

“Sabi ko, ‘Naku baka hindi natin kayanin, ang mahal!’

“Sabi niya, ‘Hindi, basta kausapin mo lang si Rams.’

“Ayun sa awa ng Diyos is nagkaayos naman kami and the rest is history.”

Aminado si Noreen na nakilala nang husto ang kanilang nail salon at foot spa chain mula noong naging endorser nila si Marian simula noong taong 2014.

“Napakabait ni Marian,” bulalas pa ni Noreen.

Ano ang napansin niya agad sa una nilang pagkikita at pagkakakilala ni Marian?

“Ay napakabait! To think na nandun na siya sa stature na Marian Rivera, di ba? Napakabait.

“Parang, ‘Totoo ba ‘to? Artista ba ‘to? Superstar ba ‘to?

“Parang ganun. Ambait-bait niya, napaka-down-to-earth.

“At napakaganda! 

“At nung na-meet ko siya may show siya sa GMA, yung Marian, ay naku, naka-tank top, dyusko ganyan lang yung waist, napakaliit, grabe!”

Host si Marian noong 2014 ng kanyang sariling musical variety show sa GMA na may titulong Marian.

Masaya si Noreen na tumagal ng siyam na taon ang samahan nila ni Marian, hindi lamang bilang negosyante at endorser, kundi bilang magkaibigan.

“Actually yung relationship namin ni Marian, hindi na more on business.”

Ilang beses na raw niyang napatunayan ang kabaitan at pagiging totoong tao ni Marian, lalo na nitong panahon ng pandemya.

Pinagkukuwento namin si Noreen tungkol dito pero mas minabuti na lang niyang isekreto kung ano ang tinutukoy niya.

“Basta ang masasabi ko, hindi na lang business ang relationship namin ni Marian, friendship na. 

“Our business relationship has transcended into a strong and deep friendship,” ang nakangiting wika pa ni Noreen. 

Ayon pa kay Noreen ay napaka-epektibong endorser si Marian.

“Nakilala nang husto ang Nailandia dahil sa kanya, napaka-effective niyang endorser, wala akong masabi. And kasi naman di ba, sa mga fans pa lang niya, sobra, grabe!

‘Tapos napaka-perfect niyang role model; good wife, good mother, good daughter, good apo, good friend, ideal na celebrity, walang bisyo, malinis ang image.

 “Complete package!” 

At kamakailan lamang, nitong May 26, araw ng Biyernes ay muling nag-renew ng kontrata si Marian bilang nag-iisang celebrity endorser ng Nailandia nail salon and foot spa sa ikasiyam na taon.

Present sa renewal ni Marian si Mike Tuviera ng Triple A management na siyang nangangalaga sa career ni Marian at ang mag-asawang Noreen at Juncynth.

Wala na raw silang balak kumuha pa ng ibang female endorser ng Nailandia.

“Marian Rivera is Marian Rivera, siya lang sapat na, actually sobra pa! Napakalakas ng hatak niya sa tao.” 

At ayon pa kay Noreen:

“At siya mismo ang nagtatangkilik ng Nailandia, talagang pumupunta siya, dinadala niya ‘yung mommy niya, ‘yung lola niya.

“Nagpapa-spa party siya sa mga kaibigan niya. At may advocacy siya na tungkol sa mga single mother, pina-spa party niya.” 

Bilang pagtatapos sa aming interview ay may inanunsiyo si Noreen.

“Nailandia is coming up with something very big before the year ends, for the public! Something very exciting. 

“Because Nailandia is blessed with so much, so we are giving back to the people just the same.”

Sorpresa raw muna kung ano ito, ayon pa rin kay Noreen.

Leave a comment