February 27, 2024
Marinella Moran wants to work with Vilma Santos
Latest Articles

Marinella Moran wants to work with Vilma Santos

Mar 1, 2023

Ipinahayag ni Marinella Moran na sa kanyang pagbabalik-showbiz, gusto niyang challenging na roles ang maibigay sa kanya.

Okay lang kay Marinella ang gumanap na kontrabida, wala rin daw problema sa aktres kung mother role ang ibigay sa kanya.

Wika niya, “Okay lang naman kahit mother role ang ibibigay sa akin, kasi iyon lang naman ang sinabi ko kay Mama Lito (de Guzman). Na this time around, gusto ko iyong mommy role na lang, kasi, enough na iyong napagdaanan ko rati, hahahaha!”

Halos 40 movies ang nagawa ni Marinella noon, pero nang naisipang magtapos ng kolehiyo, tumigil siya sa pag-aartista hanggang sa magkaroon na ng pamilya.

Para kay Marinella, itinuturing niyang most memorable at biggest break niya ang pelikulang Sa Paraiso ni Efren na pinagbidahan ni Anton Bernardo at pinamahalaan ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Bawal na ba siyang magpa-sexy?

Esplika ni Marinella, “Hindi naman sa bawal, hindi naman sa bawal… kumbaga, I want to do something different, something challenging talaga for me.”

Kontrabida role okay sa kanya? “Oo, okay sa akin iyong kontrabida role, kasi challenging talagang gumanap ng kontrabida role , eh.”

Sino ang peg niyang kontrabida?

“My God! Gusto ko iyong tipong Cherrie Gil… and sina Vilma Santos at Elizabeth Oropesa, gusto ko silang makatrabaho, mga tipong ganoon,” nakangiting bulalas pa ng aktres.

Bakit sina Vilma at Elizabeth ang gusto niyang makatrabaho?

“Kasi sobrang galing nila talaga, as in, during my childhood ay lagi ko na talaga silang napapanood. Idol ko talaga sila, they’re the best, they are best.

“Lahat ng mga movie nina Vilma at Elizabeth, ang dami-dami nilang movies, halos napanood ko. Ang galing-galing talaga nina Vilma at Elizabeth.”

Kuwento pa ni Marinella, “Ang plano po namin right now, habang nandito ako sa Pilipinas which is pinagmi-meeting-an namin ng manager kong si Lito de Guzman, kung ano ang dapat na gagawin namin.

“At the same time, I will produce (a movie), but at the same time, talent pa rin niya ako.”

Nabanggit pa ng aktres na wish niyang anomang project ang gawin nila ay maging matagumpay, para makatulong din sa showbiz industry. 

May dream role ba siya na sana ay magawa na niya this time?

“Hindi naman po, like what I’ve said, ang purpose ko kasi ng pagpunta ko rito is about to connect to all of you.

“Kung ano man iyong roles like mother role or kontrabida, okay lang sa akin iyon. Hindi na ako mamimili kung ano man ang ibibigay sa aking role,” pagtatapos ni Marinella.

Leave a comment