February 27, 2024
Liza Soberano reunites with her mother after 7 years
Home Page Slider Latest Articles Short & Meaningful Stories

Liza Soberano reunites with her mother after 7 years

Jun 22, 2015

by PSR News Bureau

Tulad ng inaasahan, naging emosyonal ang naging muling pagkikita ng aktres na si Liza Soberano at ang kanyang Amerikanang ina na si Jaquelyn Elizabeth Hanley nang magpunta ang aktres para sa North America screening ng pelikulang “Just The Way You Are” na pinagbibidahan nito at ng katambal na si Enrique Gil. Pitong taon na hindi nakita ni Liza ang kanyang ina matapos siyang sumama sa kanyang Filipinong ama na si John Castillo Soberano noong mag-desisyon itong umuwi ng bansa. Nagkita ang mag-ina sa San Francisco International Airport sa California.

Ayon pa sa Instagram account ng manager ni Liza na si Ogie Diaz, “The moment. Nakaka-touch. Nakakaiyak. Pitong taong hindi nagkita. Kaya sa hotel room, umaatikabong kuwentuhan, tsikahan, emote-emote ang naganap sa mag-ina (The moment. It’s touching. Makes you want to cry. They didn’t see each other for seven years. That is why at the hotel room, they exchanged stories and became emotional),” kuwento pa ni Ogie.

Bakas sa mukha ng mag-ina ang kasabikan sa bawat-isa. Lumaki si Liza sa piling ng kanyang Lola [mother’s side] at noong siya ay 10 years old, sumama na siya sa poder ng kanyang ama nang magpasya itong umuwi at manatili na sa Pilipinas. Mula noon ay hindi na ulit silang nagkitang mag-ina. Muling nakapag-asawa ang ina ni Liza kaya’t nagkaroon si Liza ng mga kapatid sa ina. Pero gayunman, tanggap ng dalaga ang kanyang mga kapatid. Nang makita nga niya ang mga ito ay kaagad niyang niyakap at binuhat ito na animo’y matagal na niyang nakita’t nakasama ang mga ito gayung ito pa lang ang unang pagkakataon na nakita niya ang mga ito. Ayon sa huling pakikipagusap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) kay Liza, wala itong anumang sama ng loob sa kanyang ina. Sa murang edad ay naintindihan na ng aktres kung bakit kinakailangang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Tunay ngang isang mabuting bata si Liza na mapagmahal at marunong magbigay respeto sa kanyang mga magulang sa kabila ng mga pagkukulang nito sa kanya. At ngayon ngang nagsimula ng magtamas ng tagumpay si Liza sa showbiz, nawa’y hindi lumaki ang ulo ng batang ito at tinitiyak naming na malayo ang mararating nito.

Leave a comment

Leave a Reply