February 27, 2024
KD Estrada defends Alexa Ilacad
Latest Articles

KD Estrada defends Alexa Ilacad

Jan 25, 2024

Naging bukas ang aktor na si KD Estrada sa pagdedepensa niya sa love team partner na si Alexa Ilacad laban sa mga basher.

“Para sa akin din naman po kasi even in real life kailangan din po natin i-set ‘yung boundaries. Para sa akin when you step over a boundary, that means you are either attacking someone who is very close to me personally. Kasi si Alexa for me is hindi na siya work. I don’t consider being with Alexa as work. I consider her as someone who I have a close connection to, parang family. She feels so much like family. And when you hurt my family or when you try to attack my family, I will really defend talaga po,” ani Estrada.

Pag-amin naman ni Ilacad, nabigla siya sa naging pagdepensa sa kanya ni Estrada. 

“Actually po sa totoo lang nagulat po ako noon. Kasi I remember that moment, magka-text pa kami ni KD, nagtatawanan pa kami. For a brief moment hindi na siya nag-reply. Sabi ko, ‘hello, hello nandiyan ka pa ba?’ Tapos biglang ‘yung mga sagot niya, ‘I’m so mad’ ganyan. Naggaganun na siya. Tapos sabi ko, ‘What’s happening?’ Tapos sinabi nga niya, ‘They are doing this to you.’ Ako po kasi sabi ko 2024 I choose to set boundaries myself and I will not allow anyone else to destroy the peace that I’m making for myself in my life. So ‘yung mga ayaw ko na makita ay naka-mute, naka-block, naka-unfollow, everything. So hindi ko nakikita na may ganun na pa lang nangyayari… Tapos sabi ko sa kanya huwag na siyang magsalita or ma-stress. Pero kilala ko ito, kapag may gusto siyang gawin especially if it involves me, hindi mo siya mapipigilan. So sabi ko I am scared that you may face backlash if you speak up,” ani Ilacad.

“Para sa akin naman ‘yung backlash against me, it’s fine. Pero if it’s towards you, I can not let that happen,” giit naman ni Estrada na nagpakilig sa mga host ng “Magandang Buhay” at mga manonood. 

Matatandaang noong nakaraang linggo ay hinarap ni Estrada ang bashers ni Ilacad sa naging post niya sa social media.

Iginiit din niyang hindi niya na nais na maugnay pa sa dating fandom.

Sina Estrada at Ilacad ay dalawa lamang sa mga bidang bituin ng seryeng “Pira-Pirasong Paraiso” na nalalapit na ang pagtatapos.

Leave a comment