February 27, 2024
Jonica on doing sexy scenes: I don’t have limits
Latest Articles

Jonica on doing sexy scenes: I don’t have limits

Jan 2, 2024

MAY-K sumabak sa pagpapa-sexy ang newbie Vivamax actress na si Jonica Lazo na talent ni Jay Manalo.

Bukod sa wow na wow ang kanyang kurbada, flawless siya at panlaban ang taglay niyang beauty. Unang nabinyagan ang sexy actress sa maiinit na eksena via the movie Higop, starring Angelica Hart, Josef Elizalde, at Fabio Ide, directed by Topel Lee.

Diretsahang sinabi ni Jonica na liberated siya pagdating sa sex. Kaya naman sa paggawa ng sexy movies, palaban at wala raw limitasyon ang dalaga.

Pahayag ni Jonica, “I dont have limits po sa pagpapa-sexy. I think it’s not an issue naman po if I can show how much as I can po, eh.”

“Alam ko po ang pinasok ko na work. So, talagang ginawa ko na lang yung best ko at doon nga rin nagulat sila direk, dahil take one lang ang sexy scene namin doon. Ang akala nila ay matagal na ako sa Viva,” dagdag pa ng dalagang graduate ng Com Arts sa Angelicum College.

Ano ang ipinasilip niya sa kanyang unang Vivamax movie na streaming na ngayon?

Tugon ni Jonica, “Ipinasilip ko po actually lahat, ang aking butt, boobs… I don’t use plaster po kasi, ganoon din kasi eh, makikita rin naman nila lahat. So, why I should worry pa po, hindi ba? As much as I can po, I can do very daring scenes.”

Bakit Higop ang title ng movie nila?

Aniya, “Higop po ang title ng movie because it’s about milk tea, shop po siya in the morning and then in the evening nagiging bar siya na ang mga babaeng nagwo-work as milk tea girls is ibinubugaw ng kanilang boss.

“Ako po si Ces sa movie na Higop, asawa ni Gene which is si Van Allen Ong. Naka-love scene ko po rito si Noah na ginampanan ni Josef Elizalde.”

Sino ang sexiest local actor para sa kanya? Why? “Si Derek Ramsay po para sa akin, kasi ang masculine niya and malakas ang dating.”

Sino naman ang lalaking pinagpapantasyahan niya?

“Sa pinagpapantasyahan naman ay is Michele Morrone, actor from other country. Kasi, kung mapapanood nyo ‘yung scene sa 365 Days… ay grabe! Ang lala ng sexy scene niya roon and sobrang hot niya talaga, hahaha!” Nakatawang bulalas pa ni Jonica.

Leave a comment