February 27, 2024
Jhassy, Heindrick thank fans for huge success of ‘Roommate’
Latest Articles

Jhassy, Heindrick thank fans for huge success of ‘Roommate’

Feb 6, 2023

KARAMIHAN sa mga tagahanga ng isang loveteam, ang gusto nilang mangyari, ay mauwi rin sa totohanan o magkaroon ng relasyon ang mga ito.

Sa kaso ng loveteam nina Jhassy Busran at Heindrick Sitjar, na kilala sa tawag na JhasDrick, ang mga fan nila ay umaasa na magiging sila na rin in the  future, at hindi lang basta loveteam.

Anong masasabi nina Jhassy at Heindrick tungkol dito?

Sabi ni Jhassy, “Showbz po. Hindi mawawala ‘yung ganoon. Ang masasabi lang namin talaga, we’re both happy kung anuman mero’n kami ngayon. We’re both enjoying each other’s company.

“Masaya kami as individuals, and as partners po, kung anong mangyayari, mangyayari ‘yan. Hindi po natin alam. Pero sa ngayon, we’re both happy. ‘Yun lang ang masasabi ko.”

“Always choose to be happy,” tanging nasabi lang ni Heindrick. 

May ginawang Facebook series sina Jhassy at Heindrick titled Roommate, mula sa direksyon nI Gabby Ramos, at produced ng Rems Films. Noong Sabado nagtapos ito.

Dahil sa success ng Roommate, kaya magkakaroon ito ng season 2.

Happy ang JhasDrick na sinuportahan ng tao, lalo na ng kanilang mga tagahanga ang Roommate. Maganda ang feedback sa nasabing FB series.

“Actually, hIndi ko nga po ini-expect talaga ‘yung mga feedback nila,” sabi ni Jhassy.

“Natutuwa po kami na nagandahan sila sa Roommate. So, sobrang happy ko po na nag-grow sa kanila ‘yung serye na ginawa namin.

“Nagwi-wish po sila na magkaroon ito ng season 2. At ayun po, dahil sa success ng Roommate kaya magkakaroon po ito ng season 2. 

“Yung iba, sinasabi, FB lang, walang kita, ganoon, ganoon.

“Free lang kasing napanood ang Roommate sa FB.

Patuloy ni Jhassy,” Pero hindi  lang naman po  kasi ‘yun ang habol namin dito.

“Parang ang gusto lang naming i-share, ay magpasaya, especailly our followers.”

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng sumuporta ng Roommate especially sa pamilya ko. Talaga pong nanonood sila tuwing Sabado ng gabi.

“Natutuwa po talaga ako, na naging successsful ‘yung FB series na ginawa namin,” sabi naman ni Heindrick.”

Available sa Facebook ang “Roommate” under direk Gabby Ramos’ FB page. I-like at i-share. 

Leave a comment