February 27, 2024
Janah Zaplan teases new Christmas song
Latest Articles

Janah Zaplan teases new Christmas song

Oct 25, 2023

Maraming exciting na naibalita ang magandang recording artist na si Janah Zaplan sa mga taga-entertianment media, kamakailan.

Una na rito ang hindi niya malilimutang experience sa nakaraang Star Magic Ball.

May halong kilig na kuwento ni Janah, “Totoo po, first time ko ito and sobrang overwhelming! Alam nyo po sobrang bilis lang ng preparations namin. In less than ten days we had to get my gown, I had to get yung sa Glam Team ko po.

“Kaya I’m thankful din po to my family, kasi very supportive sila dahil kung wala sila, I don’t think I can pull off any damit ever, during that ball. Kaya I’m just so thankful. Of course, sa ABS CBN for making me a part of it.”

Dagdag na wika pa ni Janah, “Oo naman po, sobra (akong kinilig na naging part ng Star Magic Ball). Lahat kami ay kinilig nang nalaman kong kasama ako roon.

“Siyempre it’s not just about bringing ABS CBN to my name. Pero kasi ang maging part ka niyon ay isang karangalan, kasi pili lang po talaga ang nakaka-walk doon. Kaya I’m just so happy po, sobrang kilig!” Masayang sambit pa ni Janah.

Nabanggit pa niya ang mga celebrity na nagpakilig sa kanya sa nabanggit na special na okasyon.

Aniya, “Oo naman po, kinilig ako kay Joshua (Garcia). Si Jericho Rosales, Oh my gosh! Grabe ang pogi niya po at napakabait pa. Si sir John Estrada, napaka-pogi rin. Ang daming sobrang dashing that night. Si Daniel Padilla of course, bakit ko naman siya makakalimutan?”

Pagpapatuloy na kuwento pa ni Janah, “Pero I also had this good interaction with Ms. Iza Calzado. Kasi when I was at the waiting area po, nakita niya ako tapos sabi ko, ‘Hello po Ms. Iza.’ Tapos sabi niya, ‘Darling, what’s your name?’

“Oh my gosh, kinilig ako, kasi hiningi niya ang pangalan ko. And then sabi ko kasi talaga sa kanya, siya ang isa sa inspiration ko when it comes to my fitness journey. Siyempre alam din naman natin iyong pinagggalingan ni Ms. Iza.

“Kaya hearing from her na, ‘You’re very pretty and you’re not chubby at all,’ is very much uplifting for me po talaga, kaya hindi ko talaga makakalimutan ang interaction naming iyon ni Ms. Iza.”

Pahabol pa ni Janah, “Si Ms. Kim Jones, napansin din ako with my gown. Sabi niya, maganda iyong purple sa akin. Siyempre yung fashionista side niya, parang, oh my gosh napansin niya yung itsura ko during that night.

“Ang dami-dami pa po, sobra! Nagandahan po ako sa lahat, pero ang pinaka-tumatak po sa akin ay si Kim Chiu at si Kathryn Bernardo. Ang ganda po talaga nila, na-pull off po nila iyon,” masayang wika pa niya.

Nabanggit pa ni Janah ang kanyang latest single na very soon ay lalabas na under ABS-CBN Music (Star Pop).

Wika ng magaling na recording artist, “I have my latest single that will be coming out soon, this is a Christmas song. So I hope you guys will really love this one.

“Sasabihin ko na ba kung sino ang composer niyon? It’s by the one and only Mr. Music, Mr. Jonathan Manalo. Ang title po ng song ay Pasko’y Magbabalik.

Tungkol saan ang song?  “Naku, magsasabi lang po ako, once na na-release na iyong song,” bitin na saad pa ni Janah with matching ngiti.

Anyway, sasabak na rin si Janah sa fashion show ngayong Oct 27, 2023 na pinamagatang Spring Glamour Fashion Show 2023: Cyrsos. Gaganapin ito sa The Circle Events Place sa Timog Avenue, Quezon City.

Patuloy pa rin si Janah sa pangarap niyang maging isang piloto, kaya pinagsasabay niya ang kanyang showbiz career at pag-aaral ng Bachelor of Science in Aviation, major in Flying.

Leave a comment