Zoren uses feet to wash clothes, says it sweats him off

Gaya ng karamihan sa atin na stuck at home at hindi makalabas dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine, masugid din na tinatrabaho ni Bilangin ang Bituin sa Langit star Zoren Legaspi ang mga gawaing bahay gaya na lamang ng paglalaba.

Pero ibahin n’yo si Zoren dahil imbes na gumamit ng washing machine, old fashion way ng paglalaba, gamit ang kanyang mga paa ang paraan ng Kapuso actor.

Ayon pa kay Zoren, hindi lang matuturing na paglalaba ang kanyang ginagawa kung hindi dagdag exercise na rin.

“Old school laba… cardio workout. Hindi porket naka-hanger sa cabinet eh malinis na!,” saad ni Zoren.

Hindi naman pinalagpas ng netizens na ihalintulad ang paraan ng paglalaba ng aktor sa kanilang mga magulang at lolo’t lola.

“Haha looks fun tatay! Ganyan maglaba ang lola ko.”

Dahil tigil muna sa taping ang kanilang serye na Bilangin ang Bituin sa Langit, itinutuon ni Zoren ngayon ang kanyang oras sa pagpapa-abot ng tulong sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief goods katuwang ang asawang si Carmina Villarroel at mga anak na sina Cassy at Mavy Legaspi.

Samantala, naniniwala ka ba sa love at first sight? Eh sa destiny?

Ngayong Sabado, panoorin ang love story nina Aurelio at Menchie na nagsimula dahil sa pagkakasabay lamang sa isang biyahe sa bus. 

Panoorin ito sa Magpakailanman sa episode na pinamagatang BUSta’t Kasama Kita sa GMA.

Sa natatanging pagganap nina Zoren at Ashley Ortega, tunghayan ang kuwento ng dalawang nagmamahalan na nagsimula ang love story dahil sa pagkakasabay lamang sa isang biyahe sa bus.

Mapapanood ngayong Sabado, May 2, ang naturang episode ay may hashtag na  #MPKBUStatKasamaKita.

Kasama rin sa naturang episode sina Bodjie Pascua, Jenine Desiderio, Archie Adamos at Ameera Johara, ang naturang episode ay sa direksyon ni Jorron Monroy.

May hindi ka ba napanood na episode ng #MPK? Visit http://bit.ly/2w5AjHZ or download the GMA Network App to watch the full episodes!

Leave a comment