Zambales still COVID-19 free, Aiko Melendez praises Vice Governor boyfriend

Pinuri ni Aiko Melendez sa kanyang Facebook post kahapon, March 20, ang boyfriend na si  Zambales Vice Governor Jay Khonghun. 

COVID-19 free pa rin kasi ang nasabing lalawigan.

Ayon sa Facebook post ni Aiko, published as is, “Alam nyo bakit? Kasi me disiplina at coordination ang mga namamahala at mga residente nila.

“Sana makuha naten ang ganitong kaugalian ng mga Zambaleno’s.

“Marunong Sumunod at di katigasan ng Ulo.

“Flex ko lang hindi porket partner ko ang Vice Governor nyo kaya ko to sinasabi dun tayo sa totoo.

“Ngayon din ang Panahon na di lang sa Pasig me masipag at maasahan na namamahala kundi sa Zambales dn.

“Tap on the back VG Jay Khonghun kasi alam ko lahat ng hakbang na ginagawa mo para makatulong pati na sa pamilyang Khonghun na mula sa kanilang Congressman hanggang sa Mayor at Vice Governor nanatili bukas ang kani kanilang tanggapan upang maghatid tulong (praying hands).”

Sa post na ito ni Aiko, marami ang nag-reak, na mga nagatibong komento. 

Pero, sinagot sila ng award-winning actress sa pamamagitan ulit ng Facebook post. 

Sabi niya, “Eto ang kulang sa ibang me social media di nakakaintindi ng malinaw na post at me kanya kanyang interpretation sa post ng bawat isa. Sabi bakit ko raw pinupuri partner ko na si Vg Jay Khonghun bakit naman hindi?

“Di naman porket partner ko isugar coat ko pagtulong nya.

“Eh un ang nakikita ko sa Zambales eh.

“Taga Qc ako bawal ba na purihin ang isang taong me nagagawa?

“Eh kayo nga dami dami nyo nasasabi kng kanikanino na pulitiko now kht di kayo tiga Pasig. Why?

“Kasi me nagagawa talaga si mayor Vico Sotto and it is my right to commend him sa actions nya just like the way i would praise Mayor Isko Moreno.

“I am looking from the other perspective here and im not speaking as the Gf of the vice governor, Iam speaking based on my observations.

“Bakit di nyo nalang tanungin mismo ang mga taga Zambales kng paano ang mga Khonghuns, para kayo mismo ang pumuri sa kanila.”

Nangako naman si Aiko na kung may maling nakita sa boyfriend ay siya mismo ang sisita rito.

 Sabi niya, “Oh di ngayon mas natahimik sila kasi tao na nagsasalita.

“Wag kasi masyado ingittero! Day 5 palang utak talangka… wala mali sa post ko kaya wala ako dapat itama.

“Pupurihin ko kng sino gusto ko at di din ako sasang ayon sa mga nakikita kng mali.

“Kapag magkamali si VG Jay Khonghun ako mismo pupuna sa knya wag kayo mag alala dun lang tayo sa totoo. Sabi nila matapang ako oo matapang ako sa tama.

“Pero pag ako naman ay nagkamali aamin naman ako at hihingi ng dispensa.

“Pero for now this is my page i own this page i can say whatever i feel like saying.

“Whether you agree with me on this or not (slightly smiling face emoji)”

Leave a comment