Yung Rizzo makes it to Spotify’s most in demand Hip-Hop artist

Nagbabalik ang Hip-Hop artist, songwriter at producer na si Yung Rizzo sa recording scene matapos magdesisyong mag-break muna.

Matagal na rin ng huling bumisita siya sa Pinas. Nagkaroon na rin siya ng mga guesting, mall show rito na ang huli ay nung nabubuhay pa si Kuya Germs (German Moreno) sa Walang Tulugan.

Business major ang natapos ni Yung pero dahil sa passion sa Music ay pinagpapatuloy niya ang gusto niyang gawin.

Sa katunayan nakapag-release na siya ng songs last year na lumabas sa Spotify and in a short period of time ay nakapag-generate ng 150,000 streams.

Kakalabas lamang ng kaniyang single titled  “Still Here” na nagmarka sa Spotify Editorial kaya naman kabilang sa featured  official playlist — New Music Friday Philippines, OPM Rising, and Bago Sa Rap.

The music video is set to release in June and will be premiered on Hip Hop Weekly.

Yung Rizzo has been featured on GMA and RHTV in the Philippines and consistently on a Filipino Hip-Hop and R&B music podcast, Heavy Rotation, which is a segment on MyxTV’s radio station MyxRadio on Dash Radio. 

Nakalaban pa niya ng mahigpit ang Kapamilya star na si Ylona Garcia sa Music Battle for the week. Hindi man sya pinalad pero halos dumikit lamang sa boto ang entry song niyang  “No Mercy.”

Sabi ni Yung Rizzo, “New album, Great Minds being recorded set to release this year. Hopefully plan to tour in Asia again but currently touring in US.”

Mahal ni Yung ang musika kaya naman sabi niya, “Whether it’s national or international, wherever the people want to see me tour, I’m always happy to give them a live performance.”  

Nakabase ang singer sa San Jose, California kasama ang pamilya.

Leave a comment