Yen Santos tries being funny ended up being “corny”

May ginagawang pelikula si Yen Santos, ang ‘Two Love You’ mula sa OgieD Productions, Inc, in cooperation with Lion Wolf Productions, Inc., at sa direksyon ni Benedict Mique na planong i-submit sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Kapareha niya si Hashtag Kid Yambao. Kasama rin sa pelikula ang mga komedyanteng sina MC Calaquian, Lassy Marquez at Dyosa Pockoh. Natutuwa si Yen na nakatrabaho niya ang mga ito.

“Sobrang saludo po ako sa mga komedyante, lalo na sa mga komedyanteng bakla. Kasi alam ko, isa ito sa napakahirap na trabaho, hindi madaling magpatawa. Ako nga sinubukan kong magpatawa sa Halik (ang serye na pinagbibidahan nila nina Yam Concepcion, Jericho Rosales at Sam Milby). Joke ako nang joke doon, pero corning lumabas,” natatawang sabi ng aktres.

Ang ‘Two Love You’ ay isang romantic comedy film. Ito ang first time na gumawa ng ganitong klaseng pelikula si Yen.

“First time kong gumawa ng comedy film kaya excited po ako. Parang inisip ko, ano ba ang susunod kong maio-offer after ng Halik.

”So etong project na ‘to, ‘yung perfect example kung ano ba ‘yung bagong maio-offer ni Yen Santos. Kasi hindi pa po ako nakikitang nagko-comedy, eh. So, sobrang thankful ako na meron akong ganitong project pagkatapos ng Halik.”

Leave a comment