YAS! She did it! Yasmien finished political science at Arellano University

Kahanga-hanga naman talaga ang aktres na si Yasmien Kurdi, dahil sa kabila ng pagiging busy niya sa kanyang showbiz career, ay nagawa pa rin niyang makapagtapos ng pag-aaral sa Arellano University ng kursong AB Political Science. 

At hindi lang siya basta nagtapos, huh! Gumradweyt siya bilang magna-cum laude. 

Nu’ng April 6 ginanap ang kanilang graduation sa  Philippine International Convention Center (PICC).

Siyampre pa, sobrang happy si Yasmien ngayong isa na siyang degree holder at bilang isang magna-cum laude. 

Sa kanyang Instagram post ay sinabi niya na, “Finally I am beyond grateful and humbled. All the hard work for many years in College paid off . To all the working students, never stop reaching for your goals and dreams in life! Do your best all the time. Life is hard but you have to keep pushing forward. Feed your mind with positivity like ideas of success, not failure. Let life be a learning experience and always believe in yourself! Thank you Arellano University. To God Be The Glory!”

Sa kanyang Facebook post, pinasalamatan naman ni Yasmien ang kanyang ina, asawang si Rey at kanilang anak na si Ayesha.

Sabi niya, “Salamat sa pamilya ko, sa asawa ko na si Rey sa pagmamahal, pag gabay, pagiintindi at inspirasyon na binibigay mo sa aking buhay. At sa Anak ko na si Ayesha Zara, gusto ko lang talaga maging magandang halimbawa sayo anak. Mahal na mahal kita! Laging proud si mama sayo. Sa aking Ina, ang aking pinaka-unang guro… salamat sa pagpapalaki at pagsasakripisyo ng maraming bagay sa buhay mo para sa akin. Para sayo ito Ma! 🎓 Mahal kita.”

Leave a comment