Xian Lim gets gym buddy as lead star for his directorial debut

Napakalaking break ang ibinigay ni Xian Lim sa kanyang gym buddy na si Christopher Roxas sa pelikulang “Tabon” na kalahok sa ika-15 edisyon ng Cinemalaya Independent Film Festival.

Matatandaang nakilala si Christopher nang makatambal nito sa pelikula at teleseryeng “Mara Clara” ang kanyang ka-loveteam at misis na si Gladys Reyes.

Naudlot lamang ang pag-aartista nito nang mag-concentrate siya sa pagnenegosyo pagkatapos niyang makapag-asawa.

Sey pa ni Xian, malaki ang tiwala niya sa kakayahan ni Christopher na noon pa man ay nakitaan na niya ng potensyal.

Dagdag pa rito, kilala na raw niya ang actor noon pa at alam niyang naghihintay lamang ito ng tamang break para makilala bilang isang magaling na actor.

Hirit pa niya, nasasakyan din daw nito ang vision niya bilang filmmaker kaya ito ang kinuha niyang magbida sa kanyang directorial debut.

Pagtatapat pa niya, isang rebelasyon daw si Christopher sa pelikula niya, bagay na hindi pa nakikita sa mga pelikula o teleseryeng ginampanan niya.

Ang “Tabon” ay iskrip ni Xian na matagal na niyang inalagaan.

Produkto siya ng screenwriting workshop ni Ricky Lee  kaya napakinabangan niya ang kanyang natutunan sa  master screenwriter sa pagbuo ng kuwento ng  nabanggit na Cinemalaya movie.

Fan daw siya ng mystery thriller tulad ng nobela ni Rad Bradbury at  Sidney Sheldon at maging ng Twilight Zone series na malaking impluwensiya sa kanya kaya ito ang napiling genre niya na isumite sa nasabing filmfest.

Gusto na rin ni Xian na seryosohin ang pagdidirek ng pelikula.

Katunayan, marami na raw siyang naiisip na istorya after “Tabon.”

Bilang aktor, gusto ni Xian na i-try ang mga dark at edgy roles tulad ng role niya sa upcoming movie niya na “Untrue.”

Hirit pa niya, mas nacha-challenge raw siya kung iba-iba roles ang kanyang ginagampanan dahil doon lumalawak ang range niya bilang actor.

Tsika pa niya, type raw niyang muling makasama ang Star for all Seasons na si Vilma Santos na nakatrabaho niya sa “Everything About Her.”

Leave a comment