Wishes for Kim Chiu, Xian Lim—a lifetime and a wedding

Sa ginawang pag-amin kapwa nina Kim Chiu at Xian Lim, na may relasyon na sila, ay hindi na kami nagulat. 

Noon pa kasi ay alam na namin ang tunay na estado ng kanilang relasyon. 

Ang mommy Marry Ann ni Xian ang siyang unang nagsabi sa amin na may namamagitan na nga sa dalawa at hindi lang sila basta loveteam at magkaibigan.  

Wish lang namin na magtagal ang relasyon  nina Xian at Kim, na sana nga ay umabot na ito sa simbahan. At ‘pag nangyari ‘yun, siguradong magiging masaya ang kanilang mga tagahanga dahil ‘yun din naman ang gusto nila na ikasal at magsama forever ang kanilang mga idolo.

*****

Nu’ng nakausap namin si Sylvia Sanchez bago mag-Pasko nu’ng nakaraang taon, sinabi niya sa amin na dedma lang siya sa bashers ng kanilang pamilya, na karamihan sa mga ito ay tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza, na hindi niya na lang pinapansin at pinapatulan ang mga ito, kahit pa below the belt na ang tira ng mga ito sa kanila, lalo na sa anak niyang si Arjo Atayde, mula nang ma-link ito kay Maine. 

Pero nag-iba ang ihip ng hangin, pinatulan na ni Ibyang ang kanilang bashers, sinagot niya ang ilan sa mga ito, at hinamon na makipagkita sa kanya sa Maxims Restaurant sa Resorts World, para magharap sila. 

Pero walang pumatol sa hamon ng award-winning actress, walang nakipagkita sa kanya sa mga ito, na siguro ay mga natakot.

Anyways, si Ibyang ang lead star sa indie film na Jesusa. Kasama niya rito sina Ynez Veneracion, Mon Confiado, Allen Dizon, Uno Santiago, Beverly Salviejo, among others. Si Allen ang gumaganap na asawa niya sa pelikula.

Leave a comment