Willie gives non-stop financial support to viewers; TomCar greets Josh

Nag-post ng throwback photo si My Husband’s Lover star Carla Abellana kasama ang boyfriend nitong si Tom Rodriguez at mga anak ni Kris Aquino na sina Josh at Bimby sa kanyang Instagram story.

Binati kasi ng Kapuso actress ang panganay na anak ni Kris na si Josh na nagdiwang ng kanyang ika-25th birthday nitong June 4.

“Happy birthday, Josh! Thank you for all your, your mom, and Bimby’s support! – Kuya Tom and Ate Carla.”

Ang throwback photo na ipinost ni Carla ay mula sa premiere night ng pelikula ng TomCar na No Boyfriend Since Birth noong November 2015.

Bago pa ang pagdalo ng mga anak ni Kris sa premiere night ng movie ng TomCar, nagkatrabaho na dati sa isang proyekto sina Tom at Bimby.

Samantala, habang tigil muna sa taping ang Love of my Life, mapapanood sina Tom at Carla sa rerun ng My Husband’s Lover sa bago nitong timeslot tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng The Boobay and Tekla Show simula June 7.

*****

Sunud-sunod man ang naranasang pagsubok at kahirapan ng ating mga kababayan, walang patid din ang pagtulong ng Kapuso TV host na si Willie Revillame sa pamamagitan ng kanyang programang Wowowin.

Dahil sa Kapuso variety game show ay nakakapagbahagi siya ng tulong pinansyal at musical performances na nakakapaghatid ng ligaya sa Kapuso viewers. 

Pinayuhan din ni Willie ang mga manonood na patuloy pa ring mag-ingat kahit nasa general community quarantine na tayo.

Aniya, huwag pa ring lumabas kung hindi naman kinakailangan.

“Mahirap ho kasi ang problemang ito eh. Magugutom, magkakasakit, ‘di ba. So dapat ho aayusin talaga ‘to. Tulong-tulong. Makinig na muna ho tayo at magpasensya talaga tayo, walang magagawa. Hindi lang ho Pilipinas ang nagsa-suffer ngayon, buong mundo,” paghikayat niya. 

Mapapanood naman araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes ang Wowowin sa TV at sa official verified social media accounts: www.facebook.com/GMAWowowin sa Facebook, www.youtube.com/Wowowin sa YouTube, at twitter.com/gmanetwork sa Twitter.

Leave a comment