William Martinez not a womanizer: “Image lang yun!”

Kasama si William Martinez sa indie film na “Bakit Nasa Huli Ang Simula?” mula sa direksyon ni Romm Burlat.

“Ako ang Big Boss ng lahat, ako ‘yung pinakamanyak. Pangalan ko rito, si Hugo Boss,” kwento ni William tungkol sa kanyang role sa pelikula.

Biro namin kay William, sa pelikula lang siya ngayon manyak, sa totoong buhay ay hindi  na.  Dati kasi, nu’ng kanyang kabataan ay kilala siya bilang babaero, kaya nga siya binansagang pabling sa showbiz.

“Hindi na, kasi nagbago na ako, nag-subtle na ako. Kapag nagma-mature ang isang tao, dapat nagli-lay low ng konti. ‘Yun ‘yung istorya ko. In this movie, manyak pa rin ako,” natatawang sabi pa ni William.

So aminado siya na talagang babaero siya noon?

“Hindi!” tanggi ni William.

“Nung bago ako nag-artista, seminarista ako. Ang ginawa ni Douglas (Quijano, ang namayapang dating manager ni William), ginawa niya akong playboy (sa showbiz). Pero hindi ako playboy talaga.  Image lang yun.”

Ayon pa kay William, tatlo lang ang nakarelasyon niya na taga-showbiz noon. Ang una ay si Maricel Soriano, na naging ka-loveteam niya noong 80’s. 

Sumunod ay ang dating nag-aartista na si Susan Bautista, at ang huli ay ang dating asawang si Yayo Aguila.

After Yayo, wala pa raw nakakarelasyon ulit si William

“Pahinga muna. Kasi ‘yung ibang mga babae na nakikilala ko, nanghihingi lang ng load,” natatawang sabi pa ni William.

“Saka pag kinakausap mo sila, “What’s your  name?” Nakayuko lang sila, nagti-text. So ayoko na muna.”

Ang director ng “Bakit  Nasa Huli ang Simula?” ay si Romm Burlat. Kamusta namang direktor si Direk Romm?

“Mabait, pero baliw din,” natatawang sagot ni William.

Ang isa sa pelikulang nagawa ni William noong kanyang kabataan at kasikatan ay ang Bagets, mula sa Viva Films, na pinagsamahan nila nina Mayor Herbert Bautista, Raymond Launchengco, JC Bonnin at Aga Mulach.  

Naging blockbuster ang pelikula nu’ng ipalabas ito, at lalong naging big star si William, at ‘yung apat ay biglang sikat, lalo na si Aga.

Kung sakaling  ire-remake ang Bagets, at kukunin siya bilang tatay ng isa sa mga bida, okey lang ba sa kanya?

“Walang problema ‘yun,” sagot ni William.

Ikinwento ni William na sa kanyang idea ang title na Bagets, pati na ang concept nito.

“The word Bagets came to me. Without me, walang Bagets. At gusto kong ipaalam ‘yan sa Pilipinas. That time, when I was young tahimik akong tao. I don’t tell people about it.  Ayokong magkaroon ng recognition sa ganyan. Sabi ko, “Dougs, huwag mong sabihin na ako lahat.

“Nung tumanda na ako, I noticed na ‘yung mga nasa Walk Of Fame, wala ako. Nung nakausap ko si kuya Germs  (German Moreno), nu’ng buhay pa siya, sabi ko sa kanya, bakit ang daming artista nandiyan sa Walk of Fame, ako lang ang wala. Sabi niya, “William, kailangan kasi, you have to do something ‘pag matanda na ang tao. Sabi ko, Kuya Germs ako ‘yung gumawa ng Bagets. ‘Yung title na yan ginagamit ng buong Pilipinas. Bakit hindi pa nakalagay ang pangalan ko sa system na ‘yan? ‘Yun lang.”

Bukod kay William, kasama rin sa pelikula sina Faye Tangonan, Lance Raymundo, Jay-R Ramos among others.

Leave a comment