Will Unkabogable star “kabog” all MMFF entries?

PAGTABO SA TAKILYA?

Inanunsiyo ng Twitter ang listahan ng Filipino accounts na may pinakamaraming followers.

Ayon sa kanila, si Vice Ganda ang nangunguna sa listahan followed by his good friend, Anne Curtis.

Dati ay si Anne ang nangunguna na may pinakamaraming followers, pero naabutan siya ni Vice na iisa lang ang ibig sabihin nito, marami talagang fans si Vice na gustong malaman ang mga pinaggagagawa niya, di ba?

img_20171212_093022

Samantala, may kasaling pelikula si Vice sa 2017 MMFF na Gandarrapido: The Revenger Squad kasama sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach na mula sa direksyon ni Joyce Bernal.

img_20171212_093038

Ayon kay Vice, sa walong pelikula na kasali sa filmfest, sana raw ay ang pelikula nila ang unang panoorin dahil masaya raw ito. Siguradong mag-i-enjoy daw ang lahat ng manonood.

***********************

PAG-IISANG DIBDIB!

Nag-asawa na si Wendell Ramos. Noong December 9, Saturday, ay pinakasalan niya ang longtime live-in partner niyang si Kukai Guevarra sa isang simbahan sa Paranaque City.

Ang tumayong groomsmen ay sina Antonio Aquitania, Joross Gamboa, at ang designer na si Paul Cabral.

Photo from nice print
Photo from nice print

Si Joey Marquez ang isa sa mga ninong. Si Gabby Eigenmann ang isa sa cord sponsors while si Dingdong Dantes ay veil sponsor.

Mabuti naman at naisipan na rin ni Wendell na magpakasal. At least, may basbas na ng simbahan ang pagsasama nila ni Kukai.

Iba pa rin kasi ‘yung nagsasama sila na kasal sila sa simbahan, di ba?

***********************

PASABOG!

Hindi lang film/stage play director at scriptwriter ang aming kaibigang si Direk Francis Doble, kundi isa na rin siyang concert producer.

direk-francis

May pinaghahandaan siyang isang malaking concert na magaganap sa araw ng mga puso, sa Pebrero, ng susunod na taon.

Ayaw pa lang niyang sabihin sa amin kung sino-sino ang mga performer dito, pero sigurado raw na mga malalaking pangalan sa music industry ang mapapanood sa first ever produced concert niya na siya rin ang tatayong director nito.

Ngayon pa lang ay marami nang nag-aabang sa concert na gagawin ni Direk Francis, na sabi nga niya ay isa itong malaking pasabog para sa taong 2018.

Leave a comment