Hindi pa rin matanggap ng mga fans ng McLisse ang mga naglabasang isyu na bubuwagin na ang loveteam nina Mccoy de Leon at Elisse Joson.

Umaasa pa rin sila na nagkatampuhan lamang ang dalawa pero maaayos pa rin naman.

Happy nga raw ang mga fans dahil tuloy pa rin naman daw ang pelikulang gagawin nila.

images

Well, it’s true naman but according to our source plantsado na kasi ang pelikulang ito kaya tatapusin na lang din but after this wala na raw talaga ang McLisse loveteam.

In fact hindi na sila kabilang sa apat na loveteam na may malaking event this May 19 sa isang mall.

Malabo na ring i-push dahil may kanya kanya ng lovelife ang dalawa at hindi na raw in good terms.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••

Overwhelmed ang  CEO and President ng BeauteDerm na si  Rhea Tan sa success ng launching ng bago niyang perfume line na Origin Series na ang endorser ay malapit sa kanya na si Arjo Atayde.

Ang ina nito na si Sylvia Sanchez din kasi ang face of her skin line kaya anak anakan na rin niya ang aktor.

“Arjo is the best endorser of our product because he is best to embody our brand kasi he’s clean cut, laging mabango, smart, articulate at bagay siya sa high end A&B market.

“I also like it na galing siya from a good, closely knit family na na-meet ko na at magalang talaga ang buong pamilya nila.

“Pag nagkikita kami sa bahay nila and everywhere, nagbi-bless pa ang mga ‘yan. Bagay talaga siya sa Origin series namin kasi, as an actor, he’s a very versatile one na pwedeng bida o kontrabida, pwedeng sweet o fierce at ganundin ang three variants ng pabango namin na versatile din.”

received_10213365668150773

2009 pa ng tinayo ni Ms.Rei ang Beautederm at sa mga taong iyon hanggang ngayon ay 15 branches na ito and still growing.

Paborito raw ba niya si Arjo Atayde dahil siya ang may bonggang launching?

“Bago po i-launch sa showbiz industry, mga kaibigan ko na po sina Carlo (Aquino) at Matt Evans, cousin ko ‘yung wife niya,pareho kaming taga Ilocos. Malaki ang naitulong nila sa akin sa pag-promote ng product namin. Dont worry by June magkakaroon ng bonggang launching lahat ng Beutederm endorsers.”

Photo from Edward dela Cuesta)
Photo from Edward dela Cuesta

Nagkataon lamang daw na ito ‘yung first perfume line nila kaya nagkaroon ng launching. Inuna muna daw ang mga skin care products bago ang perfume.

 

Leave a comment