Will Aksyon Lady Kaye Dacer be returning to DZMM this year?

Halos dalawang taon na ring hindi naririnig sa ere ang boses ng Action Lady na si Kaye Dacer mula nang mag-resign siya sa DZMM.

Marami sa mga taga-suporta niya ang masyado nang nananabik sa kaniyang pagbabalik sa radyo.

Marami ang nagtatanong kung tatalikuran na ba niya ang unang karera na kaniyang minahal o magugulat na lang ang lahat at isang araw ay balik himpapawid na siya?

Kaya ko ito naitanong ay noong isang araw ay may nakita ako sa isang post ng ng isang taga Dzmm na kasama sa picture si Kaye Dacer at may caption na pagbabalik kapamilya na ang tinutukoy nga ay ang Action Lady.

Hindi ako sure pero mukhang magbabalik na ang tinaguriang Aksyon Lady ng Philippine Broadcasting sa dati niyang tirahan. Parang pahiwatig ito na muling maririnig ang boses niya sa Kapamilya network.

Kung totoo man ito ay siguradong maraming matutuwa lalo na ‘yung mga supporters niya na walang sawa sa paghihintay sa muli niyang pagbabalik sa radyo.

Sa totoo lang, ang daming nagre-request at umaasa na makabalik na siya sa kaniyang dating ginagawa lalo na ang serbisyo publikong ginagawa niya sa kaniyang mga naging programa. Pero kahit wala naman siya sa ere ay patuloy pa rin ang ginagawa niyang paglilingkod at pagtulong sa mga nangangailangan.

Leave a comment