Wilbert Tolentino believes PH candidate fits Mr. Gay World title

Malaki ang paniniwala ng businessman at LGBT supporter na si Wilbert Tolentino na masusungkit ni Janjep Carlos ang titulong Mr. Gay World 2019 na gaganapin sa May 4 sa Cape Town, South Africa. Aniya, si Janjep na ang pangalawang mananalo mula sa Pilipinas pagkatapos ni John Raspado noong 2017.

“IN THE NEXT 20 hrs. I’LL BE SETTING MY FOOT IN TO SOUTH AFRICA & KEEP MY EYES ON THE PRIZE AND THAT IS TO BE THE 2nd PINOY MR. GAY WORLD 2019. GOODLUCK Janjep Carlos! ALWAYS USE THE TRAININGS THAT WE PROVIDED TO U. WE LOVE & SUPPORT YOU ALL THE WAY!!”

Maging sa national custome ni Janjep ay sinasabi ni Wilbert na ang pambato ng Pilipinas ang mananalo. Ibinahagi niya ito nitong April 28 sa kaniyang Facebook account.

“Ayoko mag predict or isipin another premonition or sign..sarimanok ang national costume ng pambato natin si Janjep Carlos na provided ni friend Razen Montero. eto ang headboard sa room ko sa hotel may SARIMANOOOK…malamang sa alamang na tayo matanghal na BEST IN NATIONAL COSTUME sa MR. GAY WORLD 2019 sa MAY 4 or di kaya tinolang manok ang ulam nyo sa indi naniniwala sa another sign nakikita ko. SAVE nyo uli ang Message ko nito.”

Bago pa man lumipad patungong South Africa ang Team Janjep ay ipinakilala at iniharap ni Wilbert sa entertainment si Janjep at marami ang humanga sa binata dahil bukod sa may itsura ito ay magaling pang magsalita at humarap sa tao.

Kung nahulaan ni Wilbert na magkakaroon ng lindol na ipinost niya sa kaniyang Facebook account ilang araw bago maganap ito ay siguradong magkakatotoo ang hula niya at premonisyon na maiuuwi ng pambato ng Pilipinas ang titulong Mr. Gay World Philippines 2019.

Leave a comment