Why stars trust Rhea Tan’s BeautéHaus

Sobrang proud ako sa kanya, sa lahat ng achievements niya, kasi deserve ng isang generous person ang ganito, hindi ba? At proud ako sa lahat nang mga nangyayari, kasi nakita ko iyong BeautéHaus na dati, tapos ngayon ay iba na siya talaga.”

Ito ang tugon ng mahusay na aktor na si JC Santos nang hiningan namin ng kanyang mensahe sa lady boss ng Beautéderm na si Ms. Rhea Anicoche Tan sa successful na opening ng BeautéHaus. 

Pagpapatuloy pa ni JC, “So, ang sarap ng feeling na kasama ako roon sa process, sa transition at ngayon ay may bagong bahay na ang BeautéHaus.”

Hindi lang bagong bahay, parang bagong palasyo, hindi ba?

Nakangiting pagsang-ayon ni JC, “Actually, parang bagong palasyo ito at marami pang darating talaga.”

Ang bagong tahanan ng BeautéHaus Clinic  ay matatagpuan sa Lot 2 Blk. 19 corner San Jose and Mc Arthur Highway Santo Domingo, Angeles, Pampanga. Wazeable rin ito sa pin na Beautéderm Headquarters. 

Aminado ang aktor na inspired siyang magtrabaho ngayon. Halata sa kanyang awra at dahil lalo siyang naging guwapito.

“Inspired…and I think gusto ko itong 2023 na ito na bumalik iyong amor ko sa ginagawa ko ulit. And gusto kong ayusin ulit ang sarili ko.

“Specially, ngayon na nasa BeautéHaus na ako at sila na ang gumagawa ng physical looks ko eh, at alagang-alaga ako sa kanila. Ngayon ay kailangan ko na lang alagaan ang reputasyon ko sa public at kung paano pa ako puwedeng gumaling as an actor.”

Esplika pa ni JC na isa sa endorsers ng BeauteHaus , “Hiyang ako sa BeautéHaus at ang galing nila dahil sobrang high tech ng mga equipment nila rito. Tapos ay hindi naman siya invasive, so walang masakit and nag-eenjoy pa ako. Tapos, sobrang relax pa, kita nyo naman itong place, itong clinic nila, parang isang malaking-malaking sosyal na spa.

“Ang pinatanggal ko ay itong mahahaba (guhit sa mukha), kasi from the theater before, talagang kapag ngumingiti kami roon ay sobrang laki, so nagkaka-wrinkles talaga kami at iyon lang naman ang pinatanggal ko.

“Siyempre sinigurado ko na hindi makakaapekto iyon sa acting at sa pag-iyak (sa movies or TV), hindi naman daw. Kasi I think, portions lang naman ang ibino-botox nila rito, kung ano lang ang nakikita nila na may wrinkle, iyon lang iyon at hindi naman sobra, kaunti lang naman,” pakli pa ng aktor na mapapanood very soon sa pelikulang A Cup of Flavor kasama sina Sean de Guzman, Barbie Imperial, at Rowan Diaz. Mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrollo, ito ay under ni Direk Ma-an L. Asuncion-Dagñalan. 

Bukod kina JC at misis na si Shyleena, present sa opening ng BeautéHaus sina Beauty Gonzales, Jelai Andres, Bulacan Vice Governor Alex Castro, Sunshine Garcia, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Sherilyn Reyes Tan, Ryle Santiago, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Alma Concepcion, Trina Candaza, at DJ Chacha na nagsilbi ring host ng event.

Super-ganda ng bagong building ng Beautéderm na animo nasa Five Star hotel ka sa pagpasok dito. Bukod sa main office ng Beautederm,  ipinagmamalaki rito ng BeautéHaus Clinic ang kanilang state of the art machines, equipments, at aesthetic services gaya ng Snow White Laser, Beauté Rejuve Laser with Beauté Glow Peptide, Ultimate V-Lift, Beauté Hifu, at Beautédrips. Pati na ang kanilang premium machines tulad ng Ulthera at Vivace na patok na patok ngayon sa beauty industry.

Nasa building din ang Beauté Beanery na nagse-serve ng masasarap na pagkain, drinks, at ng variety of coffee mixes. Para naman sa mga mamahaling bags at branded items ay nandiyan ang A-List Avenue. 

Mayroon ding sariling studio ang Beautéderm para sa kanilang photo at video shoots. Hindi lang ito para sa kanilang celebrity endorsers dahil puwedeng i-rent din ito ng iba.

Leave a comment