Who’s more generous? Coco or Vic?

Sina Vic Sotto, Maine Mendoza at Coco Martin ang mga bida sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, na official entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2018.  

May entry ding pelikula si Vice sa MMFF, ang “Fantastica.” Isang bankable star si Vice, na  lahat ng pelikula niya ay kumikita sa taiklya, wala pa siyang flop. 

Sa tingin kaya ni Vic, ang combined forces nila nina Coco at  Maine, ay magiging dahilan para matalo nila sa takilya ang pelikula ni Vice?

Sabi ni Vic, “Sana lahat mataas. Ito’y para sa atin naman lahat ito. Ito’y para sa ating industriya, so ang ating palaging inaasam, maganda ang lahat ng resulta ng mga pelikula.”

Kamusta ang pakikipagtrabaho kay Coco, na ngayon niya lang nakasama sa pelkula?

“Si Coco madaling kausap, eh. Very fresh ang utak niya, yung ideas niya, yung mga konsepto niya. Nagkaka-vibes kami kaya hindi kami nahirapan na mag-adjust sa personalidad ng isa’t-isa.

“Pareho kami ng gustong mangyari, ma-achieve. As a person, alam naman natin na mabait na bata itong si Coco, kaya madaling mag-jive ang aming mga personalidad.”

Kilalang galante si Vic, ganun din si Coco. Sa tingin niya, sino ang mas galante sa kanila ni Coco?

“Sa tingin ko siya, kasi mas marami siyang tinutulungan kasya sa akin,” sagot ni Vic.

Kahit talent ng ABS-CBN 2 si Coco, posible ba itong mag-promote ng movie nila sa Eat Bulaga?

“E, palagay ko naman,” sagot ni Vic na nakangiti.

So, posible ring mag-guest siya sa FPJ’s Ang Probinsiyano, ang seryeng pinagbibidahan ni Coco?

“Bakit hindi? Wala namang problema sa akin. Kaibigan ko lahat ng estasyon at networks. I can work with any.”

Showing na sa December 25 ang Jack Em Popoy mula sa direksyon ni Michael Tuviera. 

Ang  ilan pa sa kasama sa pelikula ay sina Tirso Cruz III, Lito Lapid, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Arjo Atayde, Ryza Cenon, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryza Mae Dizon, Baeby Baste, PJ Endrinal, Ronwaldo Martin, Mark Lapid, Chai Fonacier, Bassilyo at Smuglaz.

Leave a comment