Wedding next year? Dennis Trillo finds partner in life, business

Patok ang collaboration nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa Youtube kung saan ginagawan nila ng covers ang iba’t-ibang awitin.

Katunayan, marami ang kinikilig sa kanilang tambalan at sa susunod na taon, magkakaroon na sila ng concert together.

Sey pa ni Dennis, kumpara noong una, mas matatag na ang pundasyon ng kanilang relasyon ngayon.

Hindi lang nga sila partner sa buhay kundi pati sa negosyong mga ipinundar nila.

Tuloy pa rin daw ang cookies na ginagawa mismo ni Jennylyn at binebenta nila, at may sinimulan pa silang negosyo na build and sell.

Kaya hindi lang sila partner sa kanilang relasyon kundi pati sa pagpundar ng mga negosyo para na rin sa kanilang future.

Kung ang iba ang naniniwala na hindi nagwo-work ang business partnership ng magdyowa, iba ang paniniwala ni Dennis.

“Depende naman sa tao iyon. Siyempre kung partners kayo lalo na sa tunay na buhay, hindi lang kayo dapat partners sa iilang bagay kundi sa lahat ng bagay,” paliwanag niya.

Ayaw din niyang sabihin kung tuloy na next year  ang engagement o kasal nila ni Jennylyn.

“Iba kasi akong tao eh. Mga ganung bagay, hindi ko talaga binu-broadcast. Malalaman nyo rin kapag nandiyan na,” esplika niya.

Happy naman si Dennis dahil malapit nang ipalabas ang pelikula niyang Mina-Anud na closing film sa 15th Cinemalaya.

“Talagang pinilit ko na makasali sa ganitong klaseng pelikula na matapang at masarap panoorin. Kakaiba siya sa mga pelikulang nagawa ko na. Maganda ang kalidad, story at masarap siyang panoorin ng barkada,” pahayag niya.

Sa Mina-Anud, ginagampanan ni Dennis ang papel ng isang local surfer na nakadiskubre ng tone-toneladang cocaine sa dalampasigan.

Ang pelikula ay nagwagi ng Basecamp Colour Prize sa Southeast Asia Film Financing Forum sa Singapore noong 2017.

Mula sa produksyon ng Regal Entertainment at Epic Media at sa direksyon ni Kerwin Go,showing na ang pelikula simula sa Agosto 21. 

Kasama rin sa cast sina Jerald Napoles, Matteo Guidicelli ,Mara Lopez, Anthony Falcon, Dionne Monsanto ,Lou Veloso, Alvin Anson at iba pa.

Leave a comment