“I want my heart to rest. There are far more important things to think about. Love isn’t my priority.” – Bea Binene

john@fontanilla
by John Fontanilla

Palawan ang summer destination ngayon ng GMA Prime Teen Actress na si Bea Binene, kasama nito ang kanyang pamilya sa nasabing lugar . Kuwento nga ni Bea sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), “Actually matagal ko nang nabili yung tickets for Palawan , kasabay yun nung nabili ko na Thailand Trip na nagamit ko na, mura ko lang nabili yung tickets kasi naka-promo.

Natanong din namin si Bea kung bakit lately ay nahihilig itong mag-biyahe, ito kaya ang napiling paraan ng aktres para madaling makapag -move on sa break up nila ng dating nobyong si Jake Vargas?

A photo posted by Bea Binene (@beabinene) on


Hindi naman ako nahihilig mag-travel para mabilis na makapag move on. Matagal ko nang hilig ito kaya lang walang time. Nage-enjoy ako ngayon kasi medyo nagagawa ko nang gawin yung mga bagay na matagal ko ng gustong gawin. Nag-iipon nga ako para mas marami akong mapuntahang lugar gaya ng ibang bansa.
Sinasamantala ko lang habang may free time dahil wala pa naman akong teleseryeng ginagawa although may tatlo akong projects (Sunday All Stars, Vampire ang Daddy Ko at GoodNews sa News TV) na lahat once a week pinapalabas. Kasi kapag nagka teleserye na ulit ako medyo mahihirapan na akong gawin kasi three times a week ang taping , pero pag nagkaroon ng free time mag ta-travel pa rin ako,” paglalahad pa ni Bea.

Recently nagpunta kami nila Mama sa Thailand at first time kong nagpunta doon at na-enjoy ko talaga, nag-shopping ako run kasi mura yung mga tinda. Kulang na kulang nga yung araw ng pag-tour naming so balak kong bumalik ulit ng Thailand soon.

Natanong din namin ito kung ano ano pa bang bansa ang gusto niyang puntahan?

Marami pa akong gustong marating gaya ng Canada, USA, Japan at marami pang iba. Iniisip ko kasi, habang bata pa ako ay sinasamantala ko ang pagta-travel. Kaya nga I need to work harder para may travel funds ako,” sabi pa ni Bea.

Ano ang puwedeng abangan ng fans mo na mga proyekto?

Sa ngayon yun pa rin, wala pa naman akong bagong show. Pero may gagawin akong movie na balak na gawing entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Sana nga makapasok yung movie, para may entry ako sa MMFF 2015. Hindi ko pa alam kung sino yung mga makakasama ko. Ang narinig ko lang, baka makasama ko si Kristoffer Martin.

“Okay sa akin if si Kristoffer ang makakasama ko kasi kaibigan ko siya at nakakasama na naming siyang umakyat ng bundok, kumbaga gamay ko na siya dahil ilang beses na rin kaming nagka-trabaho. Bukod doon, malapit na rin matapos yung movie na ako yung nag-produce. Hopefully, matapos na naming yung shooting bago matapos ang summer. Para bago magsimula yung filming nung movie na pang-MMFF, tapos na yung pelikulang produced ko.

Kumusta ang kanyang puso? May bago ba siyang manliligaw?

Pahinga muna ang puso ko. Mas maraming dapat pagka-abalahan na importante maliban sa pag-ibig. That’s the least of my priorities,” pagtatapos ni Bea.

Leave a comment