Wala s’yang kalaban sa kategoryang best TV host!—netizens support Kris’ comeback

Tuloy na tuloy na at wala nang makakapigil pa sa pagbabalik telebisyon ng nag-iisang Queen of All Media na si Ms Kris Aquino via “Love Life With Kris” sa TV 5.

Handog ng Positive Exposure Productions, ang “Love Life With Kris” ay tungkol sa mga kuwento ng pag-asa mula sa iba’t ibang individuals. Human interest ang main slant ng programa.

Si Gab Valenciano ang magdidirek ng show kung saan Executive Producer si Pertee Briñas at eere tuwing Sabado ng hapon, 5PM to 6PM.

Ang target date ng pilot episode ay sa August 15 or Aug 22.

Siyempre pa, masayang-masaya ang mga nagmamahal na tagahanga ni Kris sa pagbabalik niya sa TV.

Matagal na nagpahinga ang actress-TV host kaya naman marami ang nasabik na finally ay may TV show ulit siya. 

Marami ngang fans ni Kris ang nagri-react kapag itinatapat o ikinukumpara ang kanilang idolo sa mga TV host ngayon na napapanood sa telebisyon. Partikular na kay Karla Estrada na pinagtataasan lang nila ng kilay.

“Please lang, ‘wag naman. Hindi naman komo nakahawak ng microphone ay sasabihing mahusay na TV host na.

“Ang aming idol, magaling magsalita, may authority kasi pinag-aaralan niyang mabuti ang mga sasabihin niya. Pati mga guests niya, kinikilala niya. Kaya pagdating sa live interview, hahanga ka sa kanya kasi parang kilalang-kilala niya ‘yung subject niya at alam na alam niya ang lahat tungkol dito,” litanya ni Faye Ganado, ever loyal fan ni Ms Kris na taga-Lucena City. 

“Naku walang sinabi iyang mga TV host na mga iyan sa aming idol na si Ms Kris. Si Kris, aabangan mo talaga kasi kahit ‘yung pinakasimpleng isyu ay nagiging interesting kapag siya na ang humawak.

“Kasama na ‘yung wit niya at sense of humor. Mahusay talaga siya. Sa totoo lang, ngayong nagbabalik siya, tiyak kami marami na ang nag-aabang. Wala namang iba eh, siya pa rin ang pinakamahusay sa kanilang lahat. At solo lang siya , huh! Wala siyang kalaban sa kategoryang best TV host,” ayaw namang paawat na tili ni Gelo Olipano, wardrobe at stylist to the stars.

“Kami ay nasasabik na muli namin siyang mapapanood sa telebisyon. Matagal kaming naghintay. Hawak pa rin niya ang korona bilang pinakamahusay na host sa buong Pilipinas,” excited namang sabi ni Mr Mark Soria, isang guro sa elementarya.

Sabay-sabay nating abangan ang pagbabalik ni Ms Kris Aquino sa bago niyang programa, ang “Love Life With Kris” sa TV 5. 

Leave a comment