Virgin Labfest continues its tradition of bringing the untried and untested

Umarangkada na ang ika-15 edisyon ng Virgin Labfest, ang taunang pestibal ng mga bagong dulang pang-teatro na hindi pa nalalathala o napapanood sa anumang entablado.

Mula sa Writer’s Bloc and Tanghalang Pilipino ang Virgin Labfest ay kasalukuyang idinaraos sa Cultural Center of the Philippines at tatagal hanggang Hulyo 7.

Sa taong ito, may temang “Titibok-tibok” (Pulsating) ang naturang festival kung saan tampok ang labindalawang  one-act plays na pinili mula sa 207 kalahok  na isinumite. 

Muli ring ipalalabas ang ilang mga piling dula mula sa nakaraang taon at  may espesyal na pagtatanghal din ito ng staged readings.

Ang mga dulang tampok sa taong ito ay ang mga sumusunod:

 Set A: Fangirl mula sa panulat ni Herlyn Alegre  at sa direksyon ni Charles Yee; Huling Hiling Ni Darling mula sa panulat ni Raymund Barcelon at sa direksyon ni Ricardo Magno; at Isang Gabi Ang Buwan ay Hila-Hila ng Gula-Gulanit na Ulap mula sa panulat ni Ryan Machado at sa direksyon ni Paolo O’Hara.

Set B: Unreachable Star mula sa panulat ni Layeta Bucoy at sa direksyon ni Mara Marasigan; Anak Ka Ng mula sa panulat ni UZ Eliserio at sa direksyon ni Maynard Manansala; at Wanted: Male Boarders mula sa panulat ni Rick Patriarca at sa direksyon ni George De Jesus.

Set C: The Bride and The Bachelor mula sa panulat ni Dingdong Novenario at sa direksyon ni  Topper Fabregas; Surrogate mula sa panulat ni Dennis Teodosio at sa direksyon ni Roobak Valle; at A Family Reunion mula sa panulat ni Anthony Kim Vergara at sa direksyon ni Ian Segarra.

Set D: Ang Pag-Uulyanin ni Olivia Mendoza mula sa panulat ni Rolin Migyuel Obina at sa direksyon ni Phil Noble; Larong Demonyo mula sa panulat ni  Nicolas Pichay at sa direksyon ni Jose Estrella; at Wala Nang Bata Dito mula sa panulat ni Sari Saysay at sa direksyon ni Tanya Lopez.

Set E: Ito ang mga dulang  muling ipalalabas mula sa revisited plays division na kinabibilangan ng River Lethe na isinulat ni Allan Lopez at idinirehe ni Chris Martinez; Edgar Allan Hemingway na isinulat ni Carlo Vergara at idinirehe ni George De Jesus III; at Mga Eksena sa Buhay ng Kontrabida na isinulat ni Dustin Celestino at idinirehe ni Roobak Valle.

Sa kategoryang featured staged readings, kasama sa Set A ang Rated X ni Jun Lana na idinirehe ni Dennis Marasigan at Freshman ni Chris Martinez na idinirehe ni Kanakan Balintagos.

Sa Set B naman ay tampok ang Pagsasarili ni Liza Magtoto na idinirehe ni Olive Nieto at Intermedyo ni Chris Millado na idinirehe ni Baha Vergara.

Sa Set C, mapapanood ang Ang Pagbabalik at Paglisan na isinulat ni Karl Caminade at idinirehe ni  Bong Cabrera; Multiverse na isinulat ni Juliene Mendoza at idinirehe ni Fitz Betana; at Mula Kina Cain at Abel na isinulat ni Mikaela Regis at idinirehe ni Yong Tapang.

Bahagi naman ng Set D ang  Ang Pamabasang Impyerno ng Republika ng Pilipinas ni  Andrew Estacio na pinamahalaan ni Sari Saysay; Lit ni Emmanuel Feliciano na pinamahalaan ni Eric Villanueva dela Cruz; at Mema ni Joey Paras na pinamahalaan ni Chunchi Cabasaan.

Bukod pa riyan, idaraos din ang isang Playwright Fair sa CCP Tanghalang Aurelio Tolentino lobby sa Hunyo 29 kung saan may pagkakataon ang mga manonood na makadaupang-palad ang  ang kanilang hinahangaang mga mandudula at mabili ang kanilang mga obra.

Ang mga tiket sa VLF ay mabibili sa CCP Box Office at Ticket World.

Leave a comment