Vice thanks “Madlang Pipol” for watching her MMFF entry

HATAW sa takilya at sa puso ng bawat Pilipino ang laugh-a-minute movie na “The Mall, The Merrier” na pinagbibidahan ng tandem nina Vice Ganda at Anne Curtis. 

Di mabilang ang mga nanood ng feel good movie na ito sa mga sinehan hindi lamang sa Metro Manila kungdi sa buong Pilipinas na rin.

Ito ang kauna-unahang pagtatambal nina Vice at Anne na dalawa rin sa mga main hosts ng It’s Showtime ng Dos.

Lubos naman ang pasasalamat ni Vice sa milyun-milyong mga Pilipino na walang sawang sumusuporta sa kanya. 

Para rin kay Vice, may suwerteng dala ang dinadalang sanggol ng napakaganda at kuwelang si Anne sa kanyang sinapupunan na itinuturing niyang “Showtime Baby.”

Patuloy pa ring dinadagsa ang “The Mall, The Merrier” sa mga sinehan ilang araw matapos ang higanteng opening nito sa takilya nuong nakaraang Pasko. 

Patunay ito na talagang laughter and fun kasama ang buong pamilya at madlang people are the best medicines na talagang kailangan ng bawat Pinoy tuwing Kapaskuhan. 

Leave a comment