Vice Ganda pressured with ‘Aldub’s rise to fame

mildred@bacud
By Mildred A. Bacud

Vice-Ganda4 Dahil sa phenomenal success ng tambalang Aldub nina Alden Richards and Youtube sensation Maine Mendoza sa kalserye ng Eat Bulaga sa segment na “ Juan For All,” ay naungusan na nito ng husto sa rating ang kalabang programa na “ It’s Showtime.” Kaya naalarma na raw ang management at dahil dito mas pinapaganda pa ang kanilang show ngayon. Sa lahat ng hosts, si Vice Ganda daw ang pressured dahil sa kanya binibigay ang trabaho na palakasin at pagandahin pa ang kanilang programa. Sa aming panonood ay pansin namin ang effort na ito ni Vice. Kaya naman nagkaroon ng mga bagong segments tulad ng #GoodVibes sa segment niyang AdVice Ganda bilang si Madam Bertud. Dito ay nagbibigay siya ng kasiyahan at tulong sa mga napiling pagkalooban tulad na lamang ng studio audience na si Pia Bonifacio na ipinagpalit ni Vice ang kanyang Prada bag dito. Si Maria Failene Malijag naman ay isang batang bulag na nabigyan niya ng kasiyahan. Nagpa-groufie sila at pinost niya ito sa kanyang Instagram at Twitter. Kung ilan ang dami ng likes ay katumbas ng piso kaya naman nakalikom ang bata ng 116 thousand IG and Twitter combined. Di lang dun nagtapos sinama pa niya ito sa kanyang bahay dahil pangarap daw nito ang lumangoy sa swimming pool. Idagdag pa ang maraming regalong ibinigay sa kanya ng mga hosts ng Showtime. Isa pang dagdag na segment ng nasabing show ay ang COC o Clash of Celebrities kung saan magtatagisan ang mga artista ng kani-kanilang talento.

[divider]

Bamboo became emotional after Elha Nympha bagged The Voice Kids Season 2 Grand Champion title

hqdefaultBihirang pagkakataon na nakikita ang pagiging emosyonal ng sikat na singer na si Bamboo. Hindi na nga niya napigilang umiyak ng tanghaling The Voice Kids Season 2 ang kanyang pambato na si Elha Nympha. During blind auditions ay siya lamang kasi ang umikot for Elha kaya naman sabi niya nung una pa man ay nakita na niya ang pagiging espesyal na bata nito kaya naman naniwala sya sa kakayahan nito. Hindi naman daw sya binigo ni Elha dahil lahat ng kanyang tinuro ay ginawa nito. More than 5 million in kind and cash ang nauwi ni Elha kasama na rito ang 1 million cash, 1 million trust fund, 2 million house and lot, 1 million Crosswind at marami pang iba.

Leave a comment