Vice Ganda, prepares for “It’s Showtime’s 6th Annivesary production number; Hottest Kapamilya stars will be gracing the show!

mildred@bacud

By: Mildred A. Bacud

Vice Ganda, prepares for “It’s Showtime’s 6th Annivesary production number; Hottest Kapamilya stars will be gracing the show!

Vice-Ganda Sa pangunguna ni Vice Ganda ay puspusan na ang paghahanda sa 6th year anniversary ng “It’s Showtime” this Saturday. Kahit na busy rin siya sa pagsu-shoot ng pelikula nila ni Coco Martin ay isinisingit pa rin niya ang rehearsals para sa bonggang production number nila for the said program. Pagbibida niya [Vice] opening number pa lamang ay bongga na at buwis buhay ang production numbers. Dagdag pa niya, suportado ng mga bigating Kapamilya stars ang animbersaryo nila tulad ng loveteams na sina Kathniel (Kathryn Bernado and Daniel Padilla) Jadine ( James Reid at Nadine Lustre) and Lizquen(Liza Soberano and Enrique Gil. Samahan pa nina Coco Martin, Jodi Sta. Maria, Claudine Barretto at marami pang iba.

Mas umiinit nga ang kumpetisyon sa pagitan ng “It’s Showtime” at “Eat Bulaga.” Pero sabi n Vice, “Ang Showtime ay 6 years pa lang and we will be celebrating our anniversary this Saturday nga and Eat Bulaga ay 36 years na. You cannot compare naman talaga a six year old child to a 36 year old adult na mabilis tumakbo, malawak na ang karanasan. Kami parang nag-uumpisa pa lang. Importante naman yung napapasaya nating mga tao.”

[divider]
Bela, flattered to be chosen by Coco as leading lady

download (1)Masasabing hand-picked ni Coco Martin si Bela Padilla bilang leading-lady nito sa pinakabagong teleserye ng Dos, “ Ang Probinsyano.” Sa bahay pala ni Deo Endrinal ng Dreamscape nag-audition ang aktres. Sabi niya, “ Naka-shorts nga lang ako at sneakers, nagulat na lang ako nandun si Coco. Sobrang hindi ako makapaniwala at thankful dahil pumasa naman ako sa kanila.” Iba raw ang work ethics sa Kapamilya network. Bagay na nung una ay naninibago siya pero sa kalaunan ay nasasanay na rin siya dahil mas napabuti pa raw ang pag-arte niya.

Leave a comment