Vice Ganda picks ‘Sino Ang May Sala’ actor for MMFF entry; Tony Labrusca reacts

Hanggang ngayong Biyernes na lang mapapanood ang top-rating drama series ng ABS-CBN 2 na Sino Ang May Sala na pinagbibidahan nina Bela Padilla at Jodi Sta. Maria. 

Kasama rin dito si Tony Labrusca. Sa nalalapit na pagtatapos ng Sino Ang May Sala, ano ang mami-miss ni Tony?

”Siguro mami-miss ko ‘yung, mahilg po kasi akong mag-teleserye. Actually, minsan napapagod na rin kami, pero nakaka-miss din ‘yung, to be completey honest, araw-araw nasa TV ka, mayroon kang ganu’ng exposure. 

“Minsan lang din naman nagkakaroon ng primetime teleserye ang isang artista. So, mami-miss ko rin yun. I’m also really excited din naman for what’s next. 

“I’m so lucky, sobrang galing ng mga artistang nakasama ko. Saka kahit baguhang artista ako, they’re all been so kind, so most of the time sila ‘yung nagli-lead sa akin. So mami-miss ko sila,” sabi ng aktor.

Samantala, si Tony ang leading man ni Vice Ganda sa pelikulang Momalland, na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2019. 

Si Vice mismo ang pumili kay Tony na maging leading man niya. Katuwiran niya, naeelyahan daw kasi siya rito.  

Sa tingin ba ni Tony sa sarili ay nakakaelya siya gaya nang sabi ni Vice?

“Ako naman po kasi, hindi ganu’n ‘yung tingin ko sa sarili ko,” sagot ni Tony.

Patuloy niya, “I dont know what other people reactions will be. But I mean, it’s an honor. At the end of the day I’m still very flattered. But to be honest, I don’t take it seriously.”

So, hindi ka naniniwala na malakas ang dating mo sa mga bading?

“Hindi naman sa ganu’n. Ang ibig kong sabihin is, kung ‘yun ba ang effect ko sa gays or girls I personally I’m flattered that I’m able to bring that kind of sparkle and joy sa kanila. Pero ako, sa tingin ko sa sarili ko, ‘di naman ako gwapong-gwapo sa sarwili ko. At tumaba na nga ako sa teleseryeng ito.”

Tutukan ang finale week ng Sino Ang May Sala sa Primetime Bida ng ABS-CBN 2.

Leave a comment