Vice feels Ion’s sincerity; Roderick wants to work with Joshua Garcia

Sa aniversary vlog nina Vice Ganda at Ion Perez, sinagot ng magkasintahan ang tanong kung sino sa tingin nila ang unang bibitaw sa relasyon nila. 

Ayon kay Vice, naniniwala siya na malabo na na may sumuko pa sa kanilang  pagmamahalan.

Sabi ni Vice, “Personally, ‘di ko nararamdaman sa’min ’yun. Sa puntong ito, kung gaano ka-intense ’yung samahan namin, ’yung feelings namin sa isa’t isa, di ko ’yan nararamdaman na mangyayari any time soon. Hindi ko nararamdaman na kaya ko ’yan gawin at kaya siyang gawin ni Ion.”

Sinegundahan ito ng tanong kung sino sa kanilang dalawa ang mas lamang sa pagmamahal.

Paliwanag ni Vice, hindi niya maaaring ikumpara ang pagmamahal na ibinibigay nila sa isa’t isa ni Ion.

“Siya naman binibigay niya kung anong kaya niyang ibigay. Natatanggap ko naman ang deserve ko. I’m trying to give what he deserves. Hindi yun nasusukat. Pero malalaman mo kung sinsero o hindi,” ani Vice. 

“Hindi na rin mahalaga sakin kung sino ang mas lamang. Ang mahalaga pareho kaming nagmamahal. Sapat na ’yun.”

Sa nasabing vlog, naglaro sina Vice at Perez ng “Who’s Who” game habang nagpi-picnic sa sikat na parke. 

Dito inamin nila na mas mabango, maayos sa gamit, at malinis sa katawan si Ion kaysa  kay Vice. 

Ngunit si Vice naman ang mas mapagpasensya, mas unang nanunuyo, at magaling humalik.

Ikinuwento rin ng mga ito na mas romantic at madalas maunang mag-I love you si Ion kaysa Vice.

At mas lagi raw si Ion ang unang nagyayaya na mag-sex sila. O di ba, ang haba ng buhok ng Unkabogable Star?

*****

Sa tanong kay Roderick Paulate kung sino sa mga kabataang aktor ang gusto niyang makatrabaho in the future, ang sagot niya ay si Joshua Garcia. Mahusay daw kasi itong aktor at aniya ay parang si John Lloyd  Cruz ito kung umarte.

Pero hindi naman daw siya namimili na kailangan magaling ang makakatrabaho niya. Mas nagma-matter sa kanya na mabait ang isang artista, ‘yung hindi pasaway.

May mga artista na raw siyang nakatrabaho na may attitude pero hindi niya na binanggit ang mga pangalan kung sinu-sino ang mga  ito.

Si Roderick ay nagsimula bilang isang child star. At hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa showbiz.

‘Yun ay sa dahilan na professional kasi siya at magaan katrabaho. Sana ay gayahin siya ng ibang mga artista lalo na yung mga baguhan, para magtagal din sila sa showbiz.

Samantala, dahil maraming naghihikayat kay Kuya Dick na muling pasukin ang politika, lalo na ‘yung mga natulungan niya nu’ng isa pa siyang konsehal, kaya muli siyang tatakbo bilang councilor sa 2nd District ng Quezon City.

At naniniwala kami na malaki ang tsansa na muli siyang manalo dahil mahal siya ng kanyang mga kadistrito.

Leave a comment