Naglabas ng single ang recording artist na si Via Ortega titled “Paghanga” na parang dedicated kay Daniel Padilla.
Don’t get jealous Kathryn ‘coz paghanga lang naman at no intention na agawin niya sa’yo si Daniel in real life ‘coz hindi naman mang-aagaw ng jowa itong si Via in pernes.
Tinanong ni yours truly thru FB itong si Via kung sino ba ang crush at super hinahangaan niyang actor na belong sa millennial generation ‘coz at sweet sixteen now ay puwede na siyang magka-crush, noh. Yo, sinex Via?
“Naku, isa po ito sa mga tanong na hirap akong sagutin kasi po halos wala naman po akong super duper crush. But I’d say I admire a few actors po. Katulad na lang po ni Joshua Garcia and John Lloyd. Alam po nating lahat kung gaano ka-versatile umarte ang mga artistang ito. I also admire the character of Donny Pangilinan dahil sa pagiging down to earth niya, gentleman, at maka-Diyos.
“Si James Reid din po dahil nakikita po natin ang creativity niya bilang isang director and producer. At syempre, hindi naman po mawawala si Daniel Padilla dahil sabi nga po sa kanta niya “nasayo na ang lahat.” Nasa kanya na po lahat mula talent at looks. Kung sa mga singer naman po, ina-admire ko po sina Arthur Nery, Zack Tabudlo, at Rob Deniel sa galing nila magsulat ng mga magagandang kanta,” ang mahaba niyang sagot.
Eh, if ever sino naman ang gusto niyang maging ka-loveteam kapag binigyan siya ng solo movie ng Viva Films kung saan siya naka-kontrata for 8 years?
“Sa ngayon po, wala pa po akong maisip kung sino ang pwede kong mapili bilang ka-loveteam. Kung magkakaroon man po ako, willing po ako maka-loveteam ang kahit sinong young actor from Viva.”
Incidentally, nung nasa office kami ng Viva ay nagandahan kami sa mga malalaking photos ng mga iconic stars na nakasabit sa mga dingding of said office at pinapili ni yours truly ang Via kung kaninong photo ang gusto niyang makatabi para kunan siya ng souvenir photo with who? At ang kanyang pinili ay ang photo ni Star For All Seasons na si Vilma Santos at pinost ni yours truly sa facebook.
Nakita itey ni Ate Vi at maganda ang kanyang naging post comment for Via with matching words comment na…”Love it, thank you Via and goodluck sa showbiz career mo. Lab you, Temers!”
And take note, super proud at happy si Via nang mabasa niya ang post comment ni Ate Vi para sa kanya.

“Noong una ko pong nakita ‘yung comment niya, nagulat po ako at hindi po ako makapaniwala. Isa po kasi siyang beteranong actress na tinitingala ng maraming artista. Naalala ko pa nga po dati, dinu-dubsmash ko pa po ‘yung mga famous lines niya sa mga movies nung kasikatan po ng dubsmash. Isa pong karangalan ang mabigyang pansin ni Miss Vilma Santos kaya po nung nakita ko po ‘yung comment, kinilig po ako. Agad po akong nagpasalamat sakanya. At dahil po napansin po ako ng isang big actress sa bansa natin, mas na-inspire po ako na pagbutihan po ang aking craft bilang isang Viva Artist at aspiring na artista,” ang may paghangang sagot ng Via na puwede i-konek sa title ng kanyang first recording single na Paghanga.
Nang magkipag-meeting uli kami the next time kay Boss Vic del Rosario ay binanggit ni yours truly sa nasabing big boss executive producer ng Viva if puwede na ang maging second song ng Via ay i-revive na lang ‘yung old hit song ni Ate Vi titled Sweet Sixteen pero tipong ang gusto ni Boss Vic ay maging another Sarah Geronimo in the making ang isang Via Ortega. Boom! ‘Yun na!
Well, harinawa matupad ang wish ni Boss Vic del Rosario para sa showbiz career ni Via Ortega. Lalo na at tipong super happy at contented now ang Sarah G. bilang Mrs. Matteo Guidicelli in real life. Sa true lang, Mommy Divine. Boom, insert smiley, u!
At harinawa huwag munang mag-asawa itong si Via coz tipong uso ata ngayon ang mga artistang nag-aasawa na or engaged to be married na like Arjo Atayde with Maine Mendoza, Maja Salvador with Rambo Nuñez at ang pinaka-latest na engaged to be married ay sina Lovi Poe, Bea Alonzo, at si yours truly. Char!