Under ‘new normal,’ no kissing scenes for Rhian Ramos

Aware ang Kapuso actress na si Rhian Ramos na maraming pagbabago siyang kakaharapin sa pagbabalik niya sa taping at shooting pagkatapos na ideklara ng gobyerno na puwede nang mag-resume ang trabaho ng industriya ngayong panahon ng MGCQ.

Sey ni Rhian, kung sakaling magre-resume na ang mga produksyon ng mga teleserye o movie, inihahanda na raw niya ang magiging ‘new normal’ pagdating sa kanyang engkuwentro sa kanyang mga katrabaho at mga miyembro ng produksyon.

“Siguro, galit-galit muna. Kumbaga, mahirap man but we have to maintain physical distancing,” aniya.

Tungkol naman sa kissing scenes, prangkang sinabi ng actress na hindi pa raw siya handa sa mga ito.

“For a while, I just won’t allow any kissing scenes at all,” pahayag niya.

Expected na rin daw na ipatutupad ang hygiene protocols sa set tulad ng paglalagay ng alcohol at pagpapatupad ng disinfection sa mismong venue ng produksyon.

Awkward mang tingnan, wish din niya na ipatupad ang pagsusuot ng face mask sa location o set.

“Outside of the scenes, I expect na pagkatapos ng take, pagbalik mo ng tent o pagkabihis mo, if you’re gonna talk to anyone, I’ll probably gonna wear a face mask,” ani Rhian.

Leave a comment