Nora Aunor, Movie Actress of the Year nominee in the upcoming PMPC Star Awards for Movies

Rommel_Placente

by Rommel Placente

angelica and nora

Nominado si Nora Aunor for Movie Actress of the Year sa darating na Star Awards For Movies na gaganapin sa March 8 para sa pelikula niyang Dementia. Ang ka-tie niya for Best Actress na si Angelica Panganiban sa katatapos lang na Gawad Tanglaw ay hindi nominado sa Star Awards. Mahusay naman si Angelica sa ‘That Thing Called Tadhana’ na ipinanalo niya sa Gawad Tanglaw, pero kinulang siya ng boto kaya hindi napasama ang pangalan niya sa listahan ng mga nominado sa Star Awards For Movies. Pero sa PASADO Awards ay nominado naman siya.

____________________________________________________________________________________________________________________

Applause on Julia Barretto’s performance is obviously subdued on ASAP 20th year on TV. Is it attributable to her recent issue with her father?

Napanood namin kahapon ng live sa Mall Of Asia ang pagdiriwang ng ASAP ng kanilang ika-20th year sa telebisyon. In fairness, ang gaganda ng mga production number nila, talagang pinaghandaan nila ito.

Nag-perform sa ASAP ang grupong It Girls composed of Janella Salvador, Liza Sobrano, Julia Barretto at Kathryn Bernardo. Song and dance number ang ginawa nila. Isa-isa muna silang kumanta bago sila nagsabay-sabay kumanta at sumayaw. Nung si Janella na ang kumanta, ang lakas ng tilian sa kanya ng audience, ganundin si Liza nung siya na ang kumanta. Nagulat kami sa response ng audience sa kanya.

Ibig sabihin nito, sikat na rin si Liza dahil sa top-rating ang serye nila ni Enrique Gil na ‘Forevermore’. Pero mas lalong lumakas ang tilian nang si Katrhyn na ang kumanta. Expected naman yun dahil si Kathryn naman talaga ang pinakasikat sa kanila. Besides, nandoon ang iba’t-ibang grupo ng fan club nila ni Daniel Padilla.

Pero nung turn na ni Julia, ang hina ng tilian sa kanya ng audience. Kinabog siya ni Liza to think na mas nauna siyang nag-artista kesa rito at nauna ring nagkaroon ng sariling serye. Malaki talaga ang epekto ng mga naglalabasang negative write-ups kay Julia dahil sa hindi niya gusto niyang ipatanggal sa kanyang pangalan ang apelyido ng amang si Dennis Padilla at sa hindi niya pagpansin dito nung magkita sila sa isang Christmas party last year.

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment