TV5 taps John Estrada, Ellen Adarna for new sitcom inspired by ‘John en Marsha’

Bubungad at magiging maingay ang TV5 sa darating na taong 2021.

Tuloy na tuloy na kasi ang bagong sitcom na talaga namang bubulaga sa lahat ng mahilig sa pagpapatawa.

Pagbibidahan ito ng multi-awarded actor na si John Estrada. 

At magiging katambal niya dito ay walang iba ang napaka kontrobersyal na actress  na si Ellen Adarna.

“Masaya ako dahil ang ganda ng show na binigay sa akin. At sa akin din pinaasikaso at pinamahala ang casting,” simula ni John.

Peg nga raw ba sa dating sitcom na “John en Marsha?”

“Yes, kaya “John en Ellen” ang title. Marami akong artista dito na nakasama ko like Long Mejia. Nagkasama na kami dati sa sitcom namin sa TV5 na “Happy Together” na isa sa top rated show sa kapatid channel.”

Dahil ba paborito at kaibigan niya si Long?

“Kaya hinanap ko si Long, naniniwala ako sa husay niya sa larangan ng comedy,” tsika pa ni Papa John.

“Natutuwa ako dahil kahit hindi maganda ang sitwasyon natin dahil sa pandemic ay may ganitong napakagandang dumarating na proyekto. Blessed pa rin tayo.”

Kelan ba ito mapapanood?

“Malapit na sa January 17, 6 to 7 PM every Sunday. Primetime.”

Magiging bahagi rin ng comedy show ang mahusay na aktor sa drama pati sa comedy na si Ronaldo Valdez at ang anak nina Cesar Montano at Sunshine Cruz na si Angelina Cruz  at marami pang iba.

Abangan ang “John En Ellen” sa direksyon ni Willie Cuevas.

Leave a comment