Topper Fabregas’ proud moment revealed

Naipamalas ni Kapuso actor Topper Fabregas ang kanyang singing talent sa GMA Public Affairs series na ‘The Lost Recipe’ at super proud siyang napasama ang boses niya sa soundtrack nito na maganda ang natatanggap na feedabck mula sa publiko.

“When they asked me if I wanted to sing one of the love themes of TLR, akala ko at first nagbibiro yung mga producers haha. I don’t really get the chance to sing a lot and I was just flattered to be thought of. Ang cute rin ng concept na yung cast kasama din sa OST,” kuwento ni Topper na unang nakilala sa entablado bilang isang theater actor.

Ginagampanan ni Topper ang character na Alfredo Legazpi sa romance-fantasy series na pinagbibidahan nina Mikee Quintos and Kelvin Miranda.

First acting break niya kung maituturing ang pagiging bahagi niya ng The Lost Recipe mula nang maging Kapuso siya.

Ayon pa kay Topper, nagandahan na agad siya sa “No Matter What it Takes” nang una pa lang niya itong narinig. Kasama niya sa pag-awit ng nasabing kanta si Kapuso OST Princess Hannah Precillas.

“I really liked the song the first time I heard it and na-LSS ako to the max so I knew mag-co-connect siya with people. But never expected that it would be this big. I’m so proud of the song and the whole soundtrack. Ang ganda ng curation ng songs!”

Marami nga ang nagagandahan sa soundtrack ng The Lost Recipe. Ilan lang sa mga awiting kasama rito ay ang  theme song ng serye na “Tumatakbo” na hit song ng bandang Mojofly; “Pinag-Isa” ni Crystal Paras; “Aabutin” ni Jennifer Maravilla; “Tama Ba o May Tama Na” ni Paul Sala; at “Walang Makapipigil” ni Arra San Agustin.

Abangan ang nalalapit nang pagtatapos ng The Lost Recipe sa GTV, 8:50 p.m.

*****

Nagkakamabutihan na nga ba sina Lovi Poe at Benjamin Alves? Siyempre on-screen lang ito bilang sina Sensen Guipit at Doc Migs Alcancia sa hit rom-com series na Owe My Love (OML).

Unti-unti na ngang nagkaka-palagayang loob sina Sensen at Doc Migs pero dahil napapansin na ito ni Trixie (Winwyn Marquez), agad gagawa ang huli ng paraan para mapaglayo ang loob ng dalawa.

Aaakitin ni Trixie si Migs, at paniniwalain naman niya si Sensen sa isang malaking kasinungalingan.

Samantala, palpak ang plano ni Divina (Jackie Lou Blanco) na gamitin si Sensen para mapapirma si Lolo Badong (Leo Martinez) ng dokumentong maglilipat sa kanya ng kamayanan ng mga Alcancia.

Tila ibabaling ni Divina ang kanyang galit kay Mema Eps (Nova Villa). Pero di pansin ni Mema Eps ang bad vibes ni Divina at sa halip, lalo pa siyang gaganahang ipakita ang pagmamahal kay Lolo Badong kahit na halos sumuko na ang kanyang katawan.

Hindi lang si Sensen at Migs ang tila mabubuwag, dahil mapapalitan ng paghihinala si Jenny Rose (Jelai Andres) kay Eddie (Jon Gutierrez). Mawawalan naman ng tiwala si Coring (Ruby Rodriguez) sa asawang si Oryo (Pekto Nacua) dahil sa isang nasirang pangako.

Magkakalabo-labo man ang relasyon ng mga Guipit, magkakaroong linaw naman sa wakas ang papel ni Doc Coops (Ryan Eigenmann) sa buhay ni Vida (Ai-Ai Delas Alas) na ikababahala ni Divina.

Solid pa rin sa kilig, katatawanan at aral sa buhay ang Owe My Love, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad.

Leave a comment