Top Ragnarok gamer Myrtle Sarrosa wants to play with Alden Richards

Ang Kapuso actress na si Myrtle Sarrosa ang natatanging Pinay na pasok sa Top 100 Ragnarok Gamers sa Southeast Asia.

Inamin ni Myrtle na hindi niya ito inaasahan.

“Sobrang honor siya kasi sa previous seasons, walang Filipino na nakapasok sa Top 100. Tapos ‘yung goal ko talaga for this season, kahit makapasok lang sa Top 600. Pero together with my teammates and other fellow Filipinos who played together with me, nakapasok kami sa Top 100,” pahayag ni Myrtle. 

Ibinahagi rin ni Myrtle na minsan ay nakalaban niya sa Ragnarok si Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Looking forward din siyang maka-collaborate ang aktor. 

Kuwento ni Myrtle, “Sana maimbita ko siya to play with me. I actually played against him, sayang. I hope next time, we can play together naman. Nakakatuwa ‘yon, I mean he’s very good din sa video games ‘tsaka nakakatuwa rin ‘yung mga live stream niya, I hope we can collaborate.”

Kahit na abala bilang gamer, hindi pa rin mawawala sa puso ni Myrtle ang pagko-cosplay kung saan siya unang nakilala.

Sa katunayan, naging guest ni Myrtle sa online show ng GMA Artist Center na Cool Hub ang cosplayers na nagwagi noon sa Gyeonggi International Cosplay Festival sa Bucheon, South Korea.

Maaaring mapanood ang kanilang fun interview sa GMA Artist Center YouTube channel. 

Samantala, dahil sa epektibong endorser, muling ni-renew si Myrtle ng Megasoft Hygienic Products, Inc. ni  Aileen Choi-Go bilang celebrity ambassador ng kanilang mga produkto partikular na Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners.

Maaring bisitahin ang Sistersph na Facebook account para sa mga karagdagang detalye.

Leave a comment