Tom Rodriguez does Carla Abellana’s glam look

Request granted para sa fans ng TomCar dahil kumasa na si Tom Rodriguez sa “Boyfriend Does My Makeup Challenge” ni Carla Abellana.

Sa latest YouTube video ng aktor, ipinakita ng ‘Love of my Life’ star ang challenge kung saan “glam” ang look na gagawin niya.

Sey ni Carla, “Hindi siya nakapag-prepare. Sa totoo lang hindi siya nag-research, hindi siya nanood ng tutorial videos. Wala siyang research, wala siyang inaral, on the spot lahat ito. Challenge talaga ‘yan for him na walang preparation, walang pag-aaral whatsover.”

Naaliw naman ang subscribers dahil bagay na bagay at napaka-sweet daw nila sa isa’t isa. Sana raw ay more videos together pa ang i-upload ng couple.

Leave a comment