Tito Sotto-Ping Lacson tandem in 2022 elections, hot topic

Hot topic ngayon ang posibleng Ping Lacson-Tito Sotto tandem sa nalalapit na Presidential election.

Ang pinagmulan ng usapan ay nang magpahayag si Tito Sen na kung tatakbo s’yang Vice President, ay gusto n’yang si Ping ang pangulo.

Agad itong nakatanggap ng mixed reactions sa social media.

“First of all, I’m still considering it… and if I do consider it, the number one on my list would be Sen. Lacson. I know his capability. I know what he can do for the country.

“If he runs for president, I will support him!,” deklara niya sa interbyu ni Karen Davila.

Marami ang excited sa tandem nina Ping at Tito. Nabulabog ang mga taga-showbiz sa tsikang ito.

Positive naman ang feedback  ng ilang showbiz insider kung sakaling tatakbong Presidente si Lacson.

“Matalino si Ping, bagay na Presidente.”

“Baka si Ping ang iboto ko. Pero tingnan muna natin ang mangyayari.”

“Siya ang nakikita ko na totoong may malasakit sa tao at  sa bansa natin.”

“Malakas noon si Lacson naghati lang sila ni FPJ ng boto kasi ‘di nag-give way ang isa sa kanila.”

“Magiging history pag nag-win si Ping. Mahirap kasi sa mga presidentiables na tumakbo before ang manalo pag tumakbo ulit. As far as my knowledge is concern, ‘di pa nangyayari ‘yun sa ‘Pinas.”

Abangan na lang natin kung matutuloy ang Ping-Tito tandem.

Leave a comment