Three intimidated actors admire Ria Atayde but so shy to court her

May nakarating sa amin na may tatlong aktor na pulos mga gwapings at sikat, ang type na type si Ria Atayde, na gusto nila itong ligawan. 

Pero, atras sila sa panliligaw sa dalaga ni Sylvia Sanchez. Paano raw kasi, ay nai-intimidate ang mga ito kay Ria, dahil sosyalera at inglisera raw ito. 

Baka raw kapag nakaharap na nila ito ay inglisin sila at hindi naman daw sila makakapagsalita ng ingles dahil hindi naman daw marunong ang mga itong mag-ingles.

Paano naman kasing hindi huhusay sa ingles si Ria, e, sa Poveda siya nag-aral noong elementary at high school. At nu’ng college ay sa Dela Salle Taft nag-tapos.

Nakakatawa naman itong tatlong aktors. Bakit hindi nila subukang ligawan si Ria. Baka naman kapag makakausap nila ito ay hindi lang puro ingles ang lumabas sa bibig, marunong din naman itong mag-tagalog. 

At kapag napansin naman siguro nito na hindi sila nag-i-ingles ay baka hindi na rin siya magsalita ng ingles, di ba?

********

Grabe naman kung sumingil ng talent fee ang manager ng isang female singer (FS). 

Ayon sa aming source, kahit raw sa Metro Manila lang ang show, ay walong digits ang sinisingil nito, at sa dalawang kanta lang daw ‘yun. 

At kung gusto raw na hahaluan ng sipol ang pagkanta ng FS, ay kailangan daw magdagdag ng 100k. 

Kung kumakanta kasi minsan ang FS, ay sumisipol siya. 

O di ba, sa sipol lang ng FS ay 100k na ang dagdag sa kanyang talent fee?  Totoo nga kaya itong nakarating sa amin? 

Leave a comment