On ‘Aldub’s popularity: “It’s a healthy competition.” – Vice Ganda

Rommel_Placente
by Rommel Placente

On ‘Aldub’s popularity: “It’s a healthy competition.” – Vice Ganda

Mas mataas ang nakukuhang rating ngayon ng ”Eat Bulaga” ng GMA 7 kaysa sa “It’s Showtime” ng ABS-CBN 2. Ito ay dahil sa Aldub fever. aldubMarami ang nag-aabang at sumusubaybay sa kalyeserye na bida sina Alden Richards at Maine Mendoza. Para kay Vice Ganda, isa sa hosts ng “It’s Showtime,” masasabi niya na “healthy competition” ang nangyayaring labanan sa pagitan ng kanilang noontime show at Eat Bulaga.
ed553330-5b2c-11e4-b7d4-ff203a464205_vice1“Bago pa naman nagka-AlDub, talagang may kumpetisyon na ang ABS at ang GMA Hindi lang naman Showtime saka Eat Bulaga.Teleserye nila, kakumpitensiya ng teleserye namin, lahat,”sabi ni Vice
Dagdag niya, “Kaya napakaipokrita, napakaipokrito na pagka sinabi ko, ‘Naku, walang kumpetisyon!’ May kumpetisyon ‘yan, and it’s a healthy competition.”
Samantala, isa sa inaabangang segment sa It’s Showtime ay ang Good Vibes at AdViceGanda ni Vice Ganda, kung saan bukod sa nagbibigay siya ng payo ay nagbibigay pa siya ng pera at mga materyal na bagay sa kanilang audience, na ang pera ay nanggaling mismo sa komedyante.
“Yun naman ang gusto ko, yun naman ang gusto namin talaga, na maraming maka-relate. Para habang tinatalakay namin ang issue ng isang tao, hindi lang parang siya ang pinag-uusapan namin, kundi marami ang nakaka-relate sa pinag-uusapan, na parang sila din ang kinakausap ko.”

[divider]

Actress will still follow her heart despite family’s disapproval of her boyfriend

Ang pagkakaalam namin ay hindi boto ang pamilya ng isang sikat na aktres sa boyfriend niya na isa ring artista. Pero mukhang wala na silang magagawa dahil nagsabi na sa kanila ang aktres na magpapakasal na sila ng kanyang boyfriend. Tanggapin na lang nila ang katotohanan na in-love ang aktres sa aktor kaya pumayag na siyang magpakasal dito.

[divider]

Sheryl Cruz bags three nominations for the 7th PMPC Star Awards for Music

SHERYL-Cruz1-200x300Sa October 18 na gaganapin ang 7th PMPC Star Awards For Music. Tatlong nominasyon ang nakuha rito ni Sheryl Cruz. Nominado siya for
Female Recording Artist of the Year, Female Pop Artist of the Year at ang sikat niyang kanta na “Mananatili” ay nominado for Song of the Year. Siguradong sobrang happy ang mararamdaman ni Sheryl kapag nakarating sa kanya ang tatlong nominasyon na nakuha niya sa nasabing award-giving body. Well, may maiuwi kaya siyang award? Yan ang ating aabangan.

Leave a comment